WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Ang Tipan ni Jehova kay David

Tagalog
Ang Tipan ni Jehova kay David
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202022173/univ/art/202022173_univ_sqr_xl.jpg
mwb22 Mayo p. 8

Binubulay-bulay ni David ang tipan ni Jehova sa kaniya

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Ang Tipan ni Jehova kay David

Ang Tipan ni Jehova kay David

Nangako si Jehova na gagawin niyang hari ang mga inapo ni David (2Sa 7:11, 12, tlb.; w10 4/1 20 ¶3; tingnan ang larawan sa pabalat)

Ang mga bahagi ng tipan ni Jehova kay David ay natupad sa Mesiyas (2Sa 7:13, 14; Heb 1:5; w10 4/1 20 ¶4)

Ang mga pagpapalang ibibigay ng Mesiyas ay mananatili magpakailanman (2Sa 7:15, 16; Heb 1:8; w14 10/15 10 ¶14)

Ipinapaalala sa atin ng araw at ng buwan na ang pamamahala ng Mesiyas ay mananatili magpakailanman. (Aw 89:35-37) Tuwing nakikita mo ang mga ito, isipin ang mga pagpapalang ipinangako ni Jehova sa iyo at sa pamilya mo sa pamamagitan ng Kaharian niya.