Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Handa Ka Ba?

Handa Ka Ba?

Kung tamaan ng likas na sakuna ang lugar ninyo, handa ka ba? Ang mga lindol, bagyo, sunog, at mga pagbaha ay nangyayari nang biglaan at puwedeng maging mapaminsala. Isa pa, ang mga pag-atake ng terorista, kaguluhan, at epidemya ay puwedeng mangyari kahit saan nang walang babala. (Ec 9:11) Hindi natin dapat isiping imposible itong mangyari sa ating lugar.

Bawat isa sa atin ay dapat na gumawa ng makatuwirang paghahanda sa mga sakuna. (Kaw 22:3) Kahit nagbibigay ng tulong ang organisasyon ni Jehova sa panahon ng sakuna, pananagutan pa rin nating maging handa.​—Gal 6:5, tlb.

PANOORIN ANG VIDEO NA HANDA KA BA SA LIKAS NA SAKUNA? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano makakatulong ang pagkakaroon ng malapit na kaugnayan kay Jehova sa panahon ng sakuna?

  • Bakit mahalaga na . . .

    • panatilihin ang magandang komunikasyon sa mga elder bago, habang, at pagkatapos ng sakuna?

    • maghanda ng emergency kit?​—g17.5 6

    • pag-isipan ang mga sakunang puwedeng mangyari at alamin ang gagawin sa mga sitwasyong iyon?

  • Ano ang tatlong paraan para makatulong tayo sa mga biktima ng sakuna?