WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Paglilingkod sa Ating mga Kapatid

Tagalog
Paglilingkod sa Ating mga Kapatid
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202019165/univ/art/202019165_univ_sqr_xl.jpg

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | 2 CORINTO 7-10

Paglilingkod sa Ating mga Kapatid

Paglilingkod sa Ating mga Kapatid

8:1-4; 9:7

May dalawang bahagi ang ministeryo ng mga Kristiyano—ang “ministeryo ng pakikipagkasundo,” o ang ating gawaing pangangaral at pagtuturo, at ang “tulong bilang paglilingkod” sa ating mga kapatid. (2Co 5:18-20; 8:4, tlb.) Kaya bahagi ng sagradong paglilingkod ang pagtulong sa nangangailangang mga kapatid. Sa paggawa nito,

  • mailalaan ang pangangailangan ng mga kapatid.—2Co 9:12a

  • matutulungan silang maibalik ang kanilang espirituwal na rutin, gaya ng pakikibahagi sa pangangaral, bilang pasasalamat nila kay Jehova.—2Co 9:12b

  • mabibigyan ng kapurihan si Jehova. (2Co 9:13) Ang pagtulong sa nasalantang mga kapatid ay magandang patotoo sa lahat, pati na sa may negatibong pananaw sa mga Saksi ni Jehova