Tagalog
Basahin ang Bibliya Araw-araw at Hanapin ang Karunungan
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202023094/univ/art/202023094_univ_sqr_xl.jpg
mwb23 Marso p. 11

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Basahin ang Bibliya Araw-araw at Hanapin ang Karunungan

Basahin ang Bibliya Araw-araw at Hanapin ang Karunungan

Ang karunungan mula sa Diyos ay gaya ng nakatagong kayamanan. (Kaw 2:1-6) Tinutulungan tayo nito na makagawa ng matatalinong desisyon. Nagiging proteksiyon din ito sa atin. Kaya ang karunungan “ang pinakamahalagang bagay.” (Kaw 4:5-7) Kailangan nating magsikap para mahukay ang nakatagong espirituwal na kayamanan sa Salita ng Diyos. Puwede nating simulan ito sa pagbabasa ng Bibliya “araw at gabi”—ibig sabihin, regular. (Jos 1:8) Tingnan kung paano natin mae-enjoy ang pagbabasa ng Bibliya araw-araw.

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA KABATAANG NATUTONG MAHALIN ANG SALITA NG DIYOS. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

Bakit nahirapan ang mga kabataang ito na basahin ang Bibliya araw-araw, at ano ang nakatulong sa kanila?

  • Melanie

  • Samuel

  • Celine

  • Raphaello

ANG ISKEDYUL KO SA PAGBABASA NG BIBLIYA: