WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Kaya Mong Mangaral at Magturo!

Tagalog
Kaya Mong Mangaral at Magturo!
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
mwb20 Hunyo p. 8

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kaya Mong Mangaral at Magturo!

Kaya Mong Mangaral at Magturo!

Noong una, nag-alinlangan si Moises kung magagawa niya ang atas na ibinigay ni Jehova sa kaniya. (Exo 4:10, 13) Naramdaman mo na rin ba iyan? Nakikipag-aral ka ba ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova? Iniisip mo ba kung kaya mong mangaral sa bahay-bahay? O baka isa kang kabataan na natatakot magpatotoo sa school. O baka natatakot kang subukan ang telephone witnessing o ilang uri ng public witnessing. Manalangin kay Jehova at humingi ng banal na espiritu. (1Pe 4:11) Magtiwala kang tutulungan ka niyang magawa ang atas mo.​—Exo 4:11, 12.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGPAKALAKAS-LOOB BILANG . . . MAMAMAHAYAG. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong hadlang ang napaharap kay Sister Aoyama?

  • Saan siya nakakuha ng tapang at lakas ng loob?​—Jer 20:7-9

  • Ano ang naitulong sa kaniya ng pagsisikap niyang gumawa ng higit sa paglilingkod kay Jehova?

  • Anong mga hadlang sa ministeryo ang makakayanan mo sa tulong ni Jehova?