WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Pinatawad ni Jose ang mga Kapatid Niya

Tagalog
Pinatawad ni Jose ang mga Kapatid Niya
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202020203/univ/art/202020203_univ_sqr_xl.jpg
mwb20 Hunyo p. 2

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 44-45

Pinatawad ni Jose ang mga Kapatid Niya

Pinatawad ni Jose ang mga Kapatid Niya

44:1, 2, 33, 34; 45:4, 5

Baka mahirapan tayong magpatawad, lalo na kung sinasadya ng iba na saktan tayo. Ano ang nakatulong kay Jose na patawarin ang mga kapatid niya kahit ginawan nila siya ng masama?

  • Hindi naghanap si Jose ng pagkakataong makaganti. Sa halip, inalam niya kung nagbago na ang mga kapatid niya dahil gusto niya silang patawarin.​—Aw 86:5; Luc 17:3, 4

  • Hindi siya nagkimkim ng galit. Tinularan niya si Jehova na laging handang magpatawad.​—Mik 7:18, 19

Paano ko matutularan ang pagiging handang magpatawad ni Jehova?