KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 74-78
Alalahanin ang mga Gawa ni Jehova
Napakahalagang bulay-bulayin ang mabubuting bagay na ginawa ni Jehova
-
Ang pagbubulay-bulay ay tumutulong sa atin na maunawaan ang ating binabasa sa Salita ng Diyos at magkaroon ng taimtim na pagpapahalaga sa espirituwal na pagkain
-
Ang malalim na pag-iisíp tungkol kay Jehova ay tumutulong sa atin na maalaala ang kaniyang kahanga-hangang mga gawa at ang pag-asang inilaan niya sa atin
Narito ang ilan sa mga gawa ni Jehova:
-
Paglalang
Habang natututo tayo tungkol sa paglalang, lalong tumitindi ang paghanga natin kay Jehova
-
Mga inatasang lalaki sa kongregasyon
Dapat tayong magpasakop sa mga inatasan ni Jehova na manguna sa atin
-
Pagliligtas
Kapag iniisip natin ang mga pagliligtas ni Jehova, titibay ang pagtitiwala natin sa kaniyang pagnanais at kakayahang pangalagaan ang kaniyang mga lingkod

