Tagalog
Paglaya sa Hinaharap—Salamat sa Diyos at kay Kristo
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202021012/univ/art/202021012_univ_sqr_xl.jpg
mwb21 Enero p. 9

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Paglaya sa Hinaharap—Salamat sa Diyos at kay Kristo

Paglaya sa Hinaharap—Salamat sa Diyos at kay Kristo

Ano ang mga pinoproblema mo sa araw-araw? Isa ka bang tatay na maraming responsibilidad? Isa ka bang single parent na nahihirapang makaraos sa buhay? Isa ka bang estudyante na binu-bully sa school? May sakit ka ba o nagkakaedad na? Lahat tayo ay may pinagdadaanan. Maraming kapatid ang may patong-patong na problema. Pero alam nating hindi na magtatagal, makakalaya rin tayo sa mga problemang ito.​—2Co 4:16-18.

Pansamantala, nakakagaan ng loob malaman na naiintindihan ni Jehova ang paghihirap natin. Nakikita niya ang katapatan natin at pagtitiis, at gagantimpalaan niya tayo sa hinaharap. (Jer 29:11, 12) Nagmamalasakit din si Jesus sa atin. Habang ginagawa natin ang mga dapat nating gawin bilang Kristiyano, tinitiyak niya sa atin: “Makakasama ninyo ako.” (Mat 28:20) Kapag pinag-iisipan natin ang ating paglaya sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, tumitibay ang pag-asa natin at determinasyong tiisin ang mga problemang dumarating.​—Ro 8:19-21.

PANOORIN ANG VIDEO NA HABANG PAPALAPIT ANG BAGYO, MANATILING NAKATUON KAY JESUS!​—PAGPAPALA NG KAHARIAN SA HINAHARAP. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano naging hiwalay sa Diyos ang mga tao, at ano ang resulta nito?

  • Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga tapat kay Jehova?

  • Paano magiging posible ang napakagandang kinabukasang ito?

  • Anong mga pagpapala sa ipinangakong bagong sanlibutan ang pinakainaabangan mo?

Isiping nasa bagong sanlibutan ka na