KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ISAIAS 29-33
“Isang Hari ang Maghahari Ukol sa Katuwiran”
Ang Haring si Jesus ay naglalaan ng “mga prinsipe,” o mga elder, na mangangalaga sa kawan
-
Gaya ng “dakong kublihan sa bagyong maulan,” ipinagsasanggalang nila ang kawan mula sa tulad-bagyong pag-uusig at pagkasira ng loob
-
Gaya ng “mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig,” nagbibigay sila ng dalisay at di-nabantuang katotohanan na nagpapaginhawa sa mga taong nauuhaw sa espirituwal
-
Gaya ng “lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain,” pinagiginhawa nila ang kawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng espirituwal na patnubay at pampatibay-loob

