WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO

Nilulon ng Lupa ang Ilog

Tagalog
Nilulon ng Lupa ang Ilog
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202019446/univ/art/202019446_univ_sqr_xl.jpg
mwb19 Disyembre p. 8

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Nilulon ng Lupa ang Ilog

Nilulon ng Lupa ang Ilog

Sa kasaysayan, may mga panahon na tinulungan ng gobyerno ng tao ang bayan ni Jehova. (Ezr 6:1-12; Es 8:10-13) Kahit sa ngayon, nakikita natin na nilululon ng “lupa”—mga elemento ng sistemang ito na mas makatuwiran—ang “ilog” ng pag-uusig ng “dragon,” si Satanas na Diyablo. (Apo 12:16) May mga pagkakataong pinapakilos ni Jehova, ang “Diyos na nagliligtas,” ang mga tagapamahalang tao para tulungan ang kaniyang bayan.—Aw 68:20; Kaw 21:1.

Pero paano kung ibilanggo ka dahil sa iyong pananampalataya? Magtiwalang babantayan ka ni Jehova. (Gen 39:21-23; Aw 105:17-20) Siguradong pagpapalain niya ang iyong katapatan, at mapapatibay mo ang mga kapatid sa buong mundo.—Fil 1:12-14; Apo 2:10.

PANOORIN ANG VIDEO NA PINALAYA MULA SA BILANGGUAN ANG MGA KAPATID SA KOREA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit nakulong ang libo-libong brother sa South Korea sa nakalipas na mga taon?

  • Anong desisyon ng korte ang naging dahilan ng maagang paglaya ng ilan sa mga brother?

  • Paano natin matutulungan ang ating mga kapatid sa buong mundo na nakabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya?

  • Paano natin sasamantalahin ang kalayaang mayroon tayo ngayon?

  • Sino talaga ang dahilan ng lahat ng ating tagumpay sa korte?

Paano ko ginagamit ang aking kalayaan?