Tagalog
Hanapin si Jehova Bago ang Araw ng Kaniyang Galit
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202017443/univ/art/202017443_univ_sqr_xl.jpg

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ZEFANIAS 1–HAGAI 2

Hanapin si Jehova Bago ang Araw ng Kaniyang Galit

Hanapin si Jehova Bago ang Araw ng Kaniyang Galit

Zef 2:2, 3

Para maikubli tayo ni Jehova sa araw ng kaniyang galit, higit pa ang kailangan kaysa sa basta pag-aalay ng ating sarili sa kaniya. Dapat nating sundin ang utos na ibinigay ni Zefanias sa mga Israelita.

  • Hanapin si Jehova: Panatilihin ang malapít na kaugnayan kay Jehova kasama ng kaniyang organisasyon

  • Hanapin ang katuwiran: Itaguyod ang matuwid na mga pamantayan ni Jehova

  • Hanapin ang kaamuan: May-kapakumbabaang magpasakop sa kalooban ng Diyos at tanggapin ang kaniyang disiplina

Paano ko lubusang mahahanap si Jehova, ang katuwiran, at ang kaamuan?