Tagalog
Ang Pagsuporta sa Disiplina ni Jehova ay Pagpapakita ng Pag-ibig
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202020444/univ/art/202020444_univ_sqr_xl.jpg
mwb20 Disyembre p. 3

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Ang Pagsuporta sa Disiplina ni Jehova ay Pagpapakita ng Pag-ibig

Ang Pagsuporta sa Disiplina ni Jehova ay Pagpapakita ng Pag-ibig

Pinoprotektahan ng kaayusan sa pagtitiwalag ang kongregasyon at dinidisiplina ang di-nagsisising nagkasala. (1Co 5:6, 11) Kapag sinusuportahan natin ang disiplina ni Jehova, nagpapakita tayo ng pag-ibig. Paano nangyari iyan kung ang pagtitiwalag ay napakasakit para sa lahat ng nasasangkot, kasama na ang malalapít na kamag-anak at hudisyal na komite?

Dahil kapag pinapahalagahan natin ang reputasyon ni Jehova at ang pamantayan niya tungkol sa kabanalan, naipapakita natin na mahal natin siya. (1Pe 1:14-16) Pagpapakita din ito ng pag-ibig sa natiwalag. Kahit na masakit ang matinding disiplina, “nagbubunga ito ng kapayapaan at katuwiran.” (Heb 12:5, 6, 11) Kinokontra natin ang disiplina ni Jehova kung nakikipag-ugnayan tayo sa mga tiwalag o kusang humiwalay. Tandaan na dinidisiplina ni Jehova ang mga lingkod niya “sa tamang antas.” (Jer 30:11) Habang sinusuportahan natin ang disiplina ni Jehova at pinapanatiling matibay ang kaugnayan sa kaniya, patuloy tayong umaasa na manunumbalik ang nadisiplina sa ating maawaing Ama.​—Isa 1:16-18; 55:7.

PANOORIN ANG VIDEO NA MANATILING TAPAT TAGLAY ANG PINAGKAISANG PUSO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Gaano kasakit para sa Kristiyanong mga magulang kapag iniwan ng kanilang anak si Jehova?

  • Paano matutulungan ng kongregasyon ang tapat na mga kapamilya ng tiwalag?

  • Anong ulat sa Bibliya ang nagpapakitang dapat na mas mahalaga sa atin ang katapatan kay Jehova kaysa sa katapatan sa pamilya?

  • Paano natin maipapakita na mas mahalaga sa atin ang katapatan kay Jehova kaysa sa katapatan sa pamilya?