KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 17-18
Nagsasanay at Nag-aatas ang mga Mapagpakumbaba
Nagpapakita ng kapakumbabaan, pag-ibig, at malawak na unawa ang makaranasang mga brother kapag sinasanay nila ang nakakabatang mga brother at inaatasan ang mga ito ng pananagutan. Paano nila ito magagawa?
-
Pumili ng mga brother na may potensiyal na humawak ng higit pang pananagutan
-
Gawing malinaw sa kanila kung ano ang kailangan para matapos ang isang gawain
-
Maglaan ng pondo, gamit, o tulong na kinakailangan
-
Subaybayan ang pagsulong nila at sabihing nagtitiwala ka sa kakayahan nila
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Anong mga pananagutan ang puwede kong ipagkatiwala sa iba?’

