Tagalog
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagna-navigate sa JW.ORG
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/202018287/univ/art/202018287_univ_sqr_xl.jpg

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagna-navigate sa JW.ORG

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagna-navigate sa JW.ORG

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Ang bawat publikasyon sa ating Toolbox sa Pagtuturo ay umaakay sa jw.org. Sa katunayan, ang pangunahing layunin ng contact card at ng tract na Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay? ay akayin ang mga tao sa ating website. Sa tulong ng jw.org, puwede kang mag-e-mail o mag-share ng link ng isang publikasyon na nasa ating Toolbox sa Pagtuturo. Makakatulong ito lalo na kapag nagpapatotoo sa mga nagsasalita ng ibang wika. At baka may tanong ang iba na sinasagot ng mga publikasyong hindi makikita sa ating Toolbox sa Pagtuturo. Kung alam nating i-navigate ang website, mas magiging epektibo tayo sa ministeryo.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

PANOORIN ANG VIDEO NA PAGNA-NAVIGATE SA JW.ORG. PAGKATAPOS, PAG-ISIPAN KUNG SAAN KA PUPUNTA SA WEBSITE PARA MATULUNGAN ANG:

  • isang ateista

  • isang taong nakaranas ng trahedya

  • isang kapatid na di-aktibo

  • isang dinadalaw-muli na gustong malaman kung paano tinutustusan ang ating gawain

  • isang dayuhan na gustong dumalo ng pulong sa bansa niya