Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Linangin ang Makadiyos na mga Katangian—Kapakumbabaan

Linangin ang Makadiyos na mga Katangian—Kapakumbabaan

KUNG BAKIT MAHALAGA:

  • Natutulungan tayo ng kapakumbabaan na mapalapít kay Jehova.—Aw 138:6

  • Natutulungan tayo ng kapakumbabaan na magkaroon ng magandang kaugnayan sa iba.—Fil 2:3, 4

  • Nakapipinsala ang pagmamataas.—Kaw 16:18; Eze 28:17

KUNG PAANO ITO MAGAGAWA:

  • Humingi ng payo at sundin ito.—Aw 141:5; Kaw 19:20

  • Maging handang gumawa ng simpleng mga bagay para sa iba.—Mat 20:25-27

  • Huwag hayaang lumaki ang ulo dahil sa mga kakayahan at pribilehiyo.—Ro 12:3

Paano ko mas maipakikita ang kapakumbabaan?

PANOORIN ANG VIDEO NA IWASAN ANG SUMISIRA SA KATAPATAN—PAGMAMATAAS. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang isinisiwalat ng pagtugon natin sa payo tungkol sa ating saloobin?

  • Paano tayo natutulungan ng panalangin na malinang ang kapakumbabaan?

  • Paano natin maipakikita ang kapakumbabaan?