Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MARCOS 3-4

Pagpapagaling sa Panahon ng Sabbath

Pagpapagaling sa Panahon ng Sabbath

3:1-5

Bakit lubusang napighati si Jesus sa pag-uugali ng mga Judiong lider ng relihiyon? Dahil ginawa nilang pabigat ang Sabbath sa pamamagitan ng pagdaragdag ng di-mabilang na maliliit na pagbabawal. Halimbawa, ipinagbawal ang pagpatay ng pulgas. Puwede lang ang panggagamot kung nanganganib na ang buhay ng isa. Kaya hindi puwedeng gamutin ang napilayan o nabalian ng buto sa panahon ng Sabbath. Kitang-kita na talagang walang malasakit ang mga relihiyosong lider na ito sa lalaking may tuyot na kamay.