Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 25-28

Magpakalakas-Loob na Gaya ni Jeremias

Magpakalakas-Loob na Gaya ni Jeremias

Nagbabala si Jeremias na mawawasak ang Jerusalem na gaya ng Shilo

26:6

  • Ang kaban ng tipan, na kumakatawan sa presensiya ni Jehova, ay minsang iningatan sa Shilo

  • Hinayaan ni Jehova na mabihag ng mga Filisteo ang Kaban, at hindi na ito naibalik sa Shilo

Si Jeremias ay pinagbantaang papatayin ng mga saserdote, propeta, at ng buong bayan

26:8, 9, 12, 13

  • Sinunggaban ng mga tao si Jeremias dahil sa kaniyang panghuhula laban sa Jerusalem at sa templo

  • Hindi huminto si Jeremias sa paglilingkod kay Jehova at hindi siya tumakas

Pinrotektahan ni Jehova si Jeremias

26:16, 24

  • Nanatiling masigasig si Jeremias, at hindi siya pinabayaan ni Jehova

  • Pinakilos ng Diyos ang matapang na si Ahikam para protektahan si Jeremias

Dahil sa tulong at pampatibay-loob ni Jehova, naipahayag ni Jeremias sa loob ng 40 taon ang mensaheng hindi nagustuhan ng marami