MAKINIG SA DIYOS AT MABUHAY MAGPAKAILANMAN

Paano Mo Maipapakitang Tapat Ka kay Jehova?

Tagalog
Paano Mo Maipapakitang Tapat Ka kay Jehova?
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/1102011093/univ/art/1102011093_univ_sqr_xl.jpg
ll bahagi 14 p. 30-31

BAHAGI 14

Paano Mo Maipapakitang Tapat Ka kay Jehova?

Paano Mo Maipapakitang Tapat Ka kay Jehova?

Manindigan sa panig ng Diyos. 1 Pedro 5:6-9

Iwasan ang mga kaugaliang hindi sinasang-ayunan ng Bibliya. Kailangan ng lakas ng loob para magawa ito.

Huwag makisali sa politika; kay Jehova at sa kaniyang Kaharian lang tayo dapat sumuporta.

Gumawa ng tamang pasiya—makinig sa Diyos. Mateo 7:24, 25

Makisama sa mga Saksi ni Jehova; tutulungan ka nilang maging malapít sa Diyos.

Patuloy na mag-aral tungkol sa Diyos at sikaping sundin ang kaniyang mga utos.

Kapag matibay na ang pananampalataya mo, ialay mo ang iyong buhay kay Jehova at magpabautismo ka.​—Mateo 28:19.

Makinig sa Diyos. Basahin ang Bibliya, at magpatulong sa mga Saksi ni Jehova na maunawaan ito. Pagkatapos, gawin ang iyong natutuhan. Kung gagawin mo iyan, mabubuhay ka magpakailanman.​—Awit 37:29.