PAKIKIPAG-USAP MULI
ARALIN 9
May Empatiya
Prinsipyo: “Makipagsaya sa mga nagsasaya; makiiyak sa mga umiiyak.”—Roma 12:15.
Ang Ginawa ni Jesus
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Marcos 6:30-34. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
Ang Matututuhan Natin kay Jesus
2. Kapag may empatiya tayo, iniisip natin ang mga tao, hindi lang ang mensahe natin.
Tularan si Jesus
3. Makinig mabuti. Hayaan mong sabihin ng kausap mo ang niloloob niya. Huwag sumabat o bale-walain ang nararamdaman niya, ikinababahala, o pagtutol. Kung makikinig kang mabuti, maipapakita mong mahalaga sa iyo ang iniisip niya.
4. Pag-isipan ang sitwasyon ng nakausap mo. Base sa naging pag-uusap ninyo, pag-isipan:
-
‘Paano makakatulong sa kaniya ang pag-aaral ng Bibliya para mapabuti ang buhay niya ngayon at sa hinaharap?’
5. Pag-usapan ang isang espesipikong paksang makakatulong sa kaniya. Sikaping makapagpasimula agad ng Bible study para maipakita kung paano nito masasagot ang mga tanong niya at na makakatulong ito sa kaniya.

