PAKIKIPAG-USAP MULI
ARALIN 7
Matiyaga
Prinsipyo: “Walang pagod silang nagpatuloy sa pagtuturo at paghahayag ng mabuting balita.”—Gawa 5:42.
Ang Ginawa ni Pablo
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Gawa 19:8-10. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
Ang Matututuhan Natin kay Pablo
2. Kailangan nating magsikap at maglaan ng panahon para maging epektibo sa pakikipag-usap muli at pagpapasimula ng Bible study.
Tularan si Pablo
3. Ibagay ang schedule mo sa schedule ng kausap mo. Pag-isipan: ‘Kailan ko kaya siya mas malamang na makausap? Anong oras at saan kaya siya mas kumbinyenteng makipag-usap sa akin?’ Sikaping balikan siya kahit hindi kumbinyente sa iyo ang oras na iyon.
4. Makipag-appointment. Bago matapos ang bawat pag-uusap, alamin kung kailan siya puwedeng makausap ulit. Sikaping balikan siya sa oras at lugar na napagkasunduan ninyo.
5. Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag agad isipin na hindi interesado ang isang tao kung bihira mo siyang madatnan sa bahay o lagi siyang busy. (1 Cor. 13:4, 7) Maging matiyaga. Pero siyempre, siguraduhing nagagamit mong mabuti ang oras mo.—1 Cor. 9:26.

