‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’

Naimpluwensiyahan ng Gresya at Roma ang mga Judio

Tagalog
Naimpluwensiyahan ng Gresya at Roma ang mga Judio
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
gl p. 26-27

Naimpluwensiyahan ng Gresya at Roma ang mga Judio

Naimpluwensiyahan ng Gresya at Roma ang mga Judio

ANG paglawak ng naging Imperyo ng Gresya ay nagsimula sa kabundukan ng Macedonia. Doon naisipan ni Alejandro, noo’y mahigit lamang 20 anyos, na manakop sa gawing silangan. Noong 334 B.C.E., pinangunahan niya ang kaniyang hukbo patawid sa Hellespont (Dardanelles), na naghihiwalay sa Europa at Asia. Gaya ng isang dumadaluhong na “leopardo,” pinasimulan ng mga Griego sa ilalim ni Alejandro ang sunud-sunod na pananakop. (Dan 7:6) Nanaig si Alejandro sa mga Persiano malapit sa Troy, sa kapatagan ng Ilog Granicus, at madaling nagapi ang mga ito sa Issus.

Sinalakay ng mga Griego ang Sirya at Fenicia, anupat winasak ang Tiro matapos ang pitong-buwang pananalakay. (Eze 26:​4, 12) Bagaman hindi sinalakay ang Jerusalem, sinakop ni Alejandro ang Gaza. (Zac 9:5) Pagdating niya sa Ehipto, itinatag niya ang Alejandria, na naging sentro ng komersiyo at edukasyon. Sa muling pagtawid sa Lupang Pangako, nilupig na naman niya ang mga Persiano, sa Gaugamela, malapit sa mga guho ng Nineve.

Bumaling si Alejandro sa timog upang sakupin ang Babilonya, Susan (Susa), at Persepolis​—mga sentrong pampangasiwaan ng Persia. Pagkatapos ay agad niyang pinasok ang teritoryo ng Persia at nakarating hanggang sa Ilog Indus na ngayo’y Pakistan. Sa loob lamang ng walong taon, nasakop ni Alejandro ang karamihan sa daigdig na kilala noon. Subalit noong 323 B.C.E., sa edad na 32, namatay siya sa Babilonya dahil sa malarya.​—Dan 8:8.

Napakalakas noon ng Helenikong impluwensiya sa Lupang Pangako. Sa lugar na iyon nanirahan ang ilang beterano ng hukbo ni Alejandro. Pagsapit ng unang siglo, nagkaroon ng liga ng mga lunsod (Decapolis) na ang wikang ginagamit ay Griego. (Mat 4:25; Mar 7:31) Mababasa na noon ang Hebreong Kasulatan sa wikang Griego. Koine (karaniwang Griego) ang nagsilbing internasyonal na wika para sa pagpapalaganap ng mga turong Kristiyano.

Imperyo ng Roma

Ano naman kaya ang nangyayari noon sa kanluran? Ang Roma​—dati’y isang grupo ng mga nayon sa Ilog Tiber—​ay unti-unting napabantog. Nang bandang huli, dahil sa mahusay na organisasyong pangmilitar at sentralisadong kapangyarihang pampulitika ng Roma, mabilis na nasakop nito ang mga lugar na kontrolado ng apat na heneral ni Alejandro. Pagsapit ng 30 B.C.E., kitang-kita ang pananaig ng Imperyo ng Roma, isang maagang pagpaparamdam ng ‘nakatatakot na hayop’ na nakita ni Daniel sa pangitain.​—Dan 7:7.

Lumawak ang Imperyo ng Roma mula Britanya pababa hanggang sa Hilagang Aprika at mula sa Karagatang Atlantiko hanggang sa Gulpo ng Persia. Palibhasa’y nakapalibot ang imperyo sa Mediteraneo, tinawag ito ng mga Romano na Mare Nostrum (Ang Aming Dagat).

Naimpluwensiyahan din ng Roma ang mga Judio, na ang lupain ay bahagi noon ng Imperyo ng Roma. (Mat 8:5-13; Gaw 10:​1, 2) Si Jesus ay nabautismuhan at namatay noong panahon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Buong-kalupitang inusig ng ilang tagapamahalang Romano ang mga Kristiyano subalit hindi nila nagapi ang tunay na pagsamba. Pagkalipas ng 13 siglo, sumuko ang imperyo sa mga pananalakay ng mga tribo ng Alemanya sa hilaga at ng mga pagala-galang mananalakay sa silangan.

[Mapa sa pahina 26]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Imperyo ng Gresya

Pagkatapos ni Alejandro, apat sa kaniyang mga heneral ang namahala sa napakalaking imperyong ito

▪ Cassander

▫ Lysimachus

○ Ptolemy I

• Seleucus I

A2 ▪ GRESYA

A2 ▪ Atenas

A2 ▪ ACAYA

A3 ○ Cirene

A3 ○ LIBYA

B2 ▫ Byzantium

B3 ○ CIPRUS

B4 ○ No-amon (Thebes)

C3 Palmyra (Tadmor)

C3 ○ Gerasa

C3 ○ Filadelfia

C3 ○ Jerusalem

C5 ○ Seyene

G2 • Alexandria Margiana

Ruta ni Alejandro

A2 ▪ MACEDONIA

A2 ▪ Pela

A2 ▫ TRACIA

B2 ▫ Troy

B2 ▫ Sardis

B2 ▫ Efeso

B2 ▫ Gordium

C2 ▫ Ankara

C3 • Tarso

C3 • Issus

C3 • Antioquia (sa Sirya)

C3 ○ Tiro

C4 ○ Gaza

B4 ○ EHIPTO

B4 ○ Memfis

B4 ○ Alejandria

A4 ○ Oasis ng Siwa

B4 ○ Memfis

C4 ○ Gaza

C3 ○ Tiro

C3 ○ Damasco

C3 • Aleppo

D3 • Nisibis

D3 • Gaugamela

D3 • Babilonya

E3 • Susan

E4 • PERSIA

E4 • Persepolis

E4 • Pasargadae

E3 • MEDIA

E3 • Ecbatana

E3 • Rhagae

E3 • Hecatompylos

F3 • PARTHIA

G3 • ARIA

G3 • Alexandria Areion

G3 • Alexandria Prophthasia

F4 • DRANGIANA

G4 • ARACHOSIA

G4 • Alexandria Arachosiorum

H3 • Kabul

G3 • Drapsaca

H3 • Alexandria Oxiana

G3 • Drapsaca

G3 • BACTRIA

G3 • Bactra

G2 • Derbent

G2 • SOGDIANA

G2 • Maracanda

G2 • Bukhara

G2 • Maracanda

H2 • Alexandria Eschate

G2 • Maracanda

G2 • Derbent

G3 • Bactra

G3 • BACTRIA

G3 • Drapsaca

H3 • Kabul

H3 • Taxila

H5 • INDIA

H4 • Alejandria

G4 • GEDROSIA

F4 • Pura

E4 • PERSIA

F4 • Alejandria

F4 • CARMANIA

E4 • Pasargadae

E4 • Persepolis

E3 • Susan

D3 • Babilonya

[Iba pang mga lokasyon]

A3 CRETE

D4 ARABIA

[Katubigan]

B3 Dagat Mediteraneo

C5 Dagat na Pula

E4 Gulpo ng Persia

G5 Dagat ng Arabia

[Mga ilog]

B4 Nilo

D3 Eufrates

D3 Tigris

G4 Indus

[Mapa sa pahina 27]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Imperyo ng Roma

A1 BRITANYA

A3 ESPANYA

B1 GERMANIA

B2 GAUL

B2 ITALYA

B2 Roma

B3 Cartago

C2 ILIRICO

C3 GRESYA

C3 Actium

C3 Cirene

D2 Byzantium (Constantinople)

D3 ASIA MINOR

D3 Efeso

D3 Aleppo

D3 Antioquia (sa Sirya)

D3 Damasco

D3 Gerasa (Jarash)

D3 Jerusalem

D3 Alejandria

D4 EHIPTO

[Katubigan]

A2 Karagatang Atlantiko

C3 Dagat Mediteraneo

D2 Dagat na Itim

D4 Dagat na Pula

[Larawan sa pahina 26]

Nang maitayong muli ang Raba, tinawag ito ni Ptolemy II na Filadelfia. Naroroon pa rin ang mga guho ng isang malaking dulaan ng mga Romano

[Larawan sa pahina 27]

Lunsod ng Decapolis na Gerasa (Jarash)

[Larawan sa pahina 27]

Ang mga daang Romano, gaya ng isang ito na malapit sa Aleppo, ay umabot hanggang Europa, Hilagang Aprika, at Gitnang Silangan. Sa mga daang ito naglakbay ang mga Kristiyano upang palaganapin ang katotohanan sa Bibliya