‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’

Nagbalik sa Kanilang Lupain ang Bayan ng Diyos

Tagalog
Nagbalik sa Kanilang Lupain ang Bayan ng Diyos
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
gl p. 24-25

Nagbalik sa Kanilang Lupain ang Bayan ng Diyos

Nagbalik sa Kanilang Lupain ang Bayan ng Diyos

DALAWANG prominenteng kabundukan ang nakapalibot sa talampas ng makabagong-panahong Iran​—ang Elburz (timog ng Dagat Caspian) at ang Zagros (timog-silangan patungong Gulpo ng Persia). Nasa pagitan ng mga ito ang mahahaba at matatabang libis na may mga dalisdis ng makakapal na kakahuyan. Katamtaman ang klima sa libis, subalit ang mas mataas, tigang, hantad-sa-hanging kapatagan ay napakaginaw kung taglamig. Nasa karatig naman ang disyerto ng talampas na kakaunti lamang ang populasyon. Sa kalakhang rehiyong ito, na nasa gawing silangan ng Mesopotamia, bumangon ang Imperyo ng Medo-Persia.

Ang mga Medo ay nakasentro sa hilagang bahagi ng talampas, bagaman nang maglaon ay nangalat sila sa Armenia at Cilicia. Ang mga Persiano naman ay nakasentro sa timog-kanlurang bahagi ng talampas, gawing silangan ng Libis ng Tigris. Sa ilalim ng pamamahala ni Ciro noong kalagitnaan ng ikaanim na siglo B.C.E., nagsanib ang dalawang kahariang ito, anupat nabuo ang Kapangyarihang Pandaigdig ng Medo-Persia.

Sinakop ni Ciro ang Babilonya noong 539 B.C.E. Ang kaniyang imperyo ay umabot nang pasilangan hanggang India. Sa pakanluran naman, napabilang ang Ehipto at ang kilala ngayon bilang Turkey. Angkop na inilarawan ni Daniel ang Imperyo ng Medo-Persia bilang isang ganid na “oso” na ‘kumain ng maraming laman.’ (Dan 7:5) Si Ciro ay nagtatag ng isang makatao at mapagparayang pamamahala. Hinati niya ang imperyo sa mga lalawigan. Bawat isa ay pinamamahalaan ng isang satrapa, na kadalasan ay isang Persiano, subalit sa ilalim niya, isang lokal na tagapamahala ang may hawak ng awtoridad. Ang mga tao sa imperyo ay pinasisigla na panatilihin ang kanilang mga kostumbre at mga relihiyon.

Bilang pagsunod sa patakarang ito, pinahintulutan ni Ciro ang mga Judio na magbalik upang isauli ang tunay na pagsamba at itayong muli ang Jerusalem, gaya ng inilalarawan nina Ezra at Nehemias. Sa palagay mo, ang malaking pulutong na ito kaya ay bumalik sa pamamagitan ng rutang dinaanan ni Abraham doon sa Eufrates patungong Carkemis, o doon marahil sila dumaan sa mas maikling ruta sa Tadmor at Damasco? Walang binabanggit ang Bibliya. (Tingnan ang pahina 6-7.) Nang maglaon, ang mga Judio ay nanirahan din sa ibang bahagi ng imperyo, gaya sa Delta ng Nilo at sa mga lugar sa gawi pa roon ng timog. Isang malaki-laking populasyon ng mga Judio ang nanatili sa Babilonya, na malamang na siyang dahilan ng pagdalaw roon ni apostol Pedro pagkalipas ng maraming siglo. (1Pe 5:13) Oo, may papel na ginampanan ang Imperyo ng Medo-Persia kung kaya matatagpuan ang mga Judio sa maraming lugar noong panahon ng sumunod na mga imperyo ng Gresya at Roma.

Matapos sakupin ang Babilonya, ginamit ng Medo-Persia ang lunsod, kung saan napakatitindi ng tag-init, bilang sentrong pampangasiwaan. Ang Susan, dating kabisera ng Elam, ay isa sa maharlikang mga lunsod. Pagkaraan, dito ginawang reyna ni Haring Ahasuero ng Persia (maliwanag na tumutukoy kay Jerjes I) si Esther at dito binigo ang isang pakana na lipulin ang bayan ng Diyos sa napakalawak na imperyo. Ang dalawa pang kabisera ng Medo-Persia ay ang Ecbatana (matatagpuan sa lugar na mahigit 1,900 metro ang taas, na may kasiya-siyang mga tag-init) at Pasargadae (kasintaas din nito, mga 650 kilometro sa timog-silangan).

Paano nagwakas ang kapangyarihang pandaigdig na ito? Sa tugatog ng kapangyarihan nito, tumugon ang Medo-Persia sa mga pag-aalsang pinasimunuan ng mga Griego sa mga hanggahan sa hilagang-kanluran. Ang Gresya noon ay nahahati sa nagdidigmaang estadong-lunsod, subalit ang mga ito ay nagtulungan upang talunin ang mga hukbong Persiano sa pangwakas na mga pagbabaka sa Marathon at Salamis. Ito ang nagbukas ng daan upang mangibabaw ang pinag-isang Gresya laban sa Medo-Persia.

[Mapa sa pahina 24]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Imperyo ng Medo-Persia

A2 MACEDONIA

A2 TRACIA

A4 Cirene

A4 LIBYA

B2 Byzantium

B2 LYDIA

B3 Sardis

B4 Memfis (Nop)

B4 EHIPTO

B5 No-amon (Thebes)

B5 Seyene

C3 CILICIA

C3 Tarso

C3 Issus

C3 Carkemis

C3 Tadmor

C3 SIRYA

C3 Sidon

C3 Damasco

C3 Tiro

C4 Jerusalem

D2 Phasis

D2 ARMENIA

D3 ASIRYA

D3 Nineve

D4 Babilonya

E3 MEDIA

E3 Ecbatana (Achmetha)

E3 HYRCANIA

E4 Susan (Susa)

E4 ELAM

E4 Pasargadae

E4 Persepolis

E4 PERSIA

F3 PARTHIA

F4 DRANGIANA

G2 Maracanda (Samarkand)

G3 SOGDIANA

G3 BACTRIA

G3 ARIA

G4 ARACHOSIA

G4 GEDROSIA

H5 INDIA

[Iba pang mga lokasyon]

A2 GRESYA

A3 Marathon

A3 Atenas

A3 Salamis

C1 SCITIA

C4 Elat (Elot)

C4 Tema

D4 ARABIA

[Kabundukan]

E3 KBDK. NG ELBURZ

E4 KBDK. NG ZAGROS

[Katubigan]

B3 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)

C2 Dagat na Itim

C5 Dagat na Pula

E2 Dagat Caspian

E4 Gulpo ng Persia

[Mga ilog]

B4 Nilo

C3 Eufrates

D3 Tigris

H4 Indus

[Larawan sa pahina 24]

Kinailangang tawirin ng mga hukbo ni Ciro ang Kabundukan ng Zagros upang marating ang Babilonya

[Larawan sa pahina 25]

Sa itaas: Pintuang-daan ng Lahat ng Bansa, sa Persepolis

[Larawan sa pahina 25]

Nakasingit na larawan: Libingan ni Ciro sa Pasargadae