‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’

Mula Ehipto Tungo sa Lupang Pangako

Tagalog
Mula Ehipto Tungo sa Lupang Pangako
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
gl p. 8-9

Mula Ehipto Tungo sa Lupang Pangako

Mula Ehipto Tungo sa Lupang Pangako

ALAM ng mga tao sa lahat ng dako ang tungkol sa Pag-alis ng mga Israelita sa Ehipto. Subalit ano kaya ang naghihintay kay Moises at sa bayan ng Diyos pagkatawid nila sa Dagat na Pula? Saan sila patungo, at paano sila nakarating sa Ilog Jordan upang makapasok sa Lupang Pangako?

Patungo sila sa lupain ng Canaan, subalit hindi dumaan sina Moises sa pinakamaikling ruta​—mga 400 kilometro sa kahabaan ng mabuhanging baybayin—​na deretso sana sa Filistia, na teritoryo ng kaaway. Ni hindi rin sila dumaan patawid sa malawak na sentro ng Peninsula ng Sinai, kung saan parang nagbabaga ang mga talampas ng graba at batong-apog dahil sa tindi ng init. Hindi sila dumaan doon, sa halip ay inakay ni Moises ang bayan patimog, pababa sa makitid na baybaying kapatagan. Ang unang pinagkampuhan nila ay ang Marah, kung saan pinatamis ni Jehova ang mapait na tubig. a Matapos lisanin ang Elim, nagbulung-bulungan ang bayan tungkol sa pagkain; nagpadala ang Diyos ng mga pugo at pagkatapos ay manna. Sa Repidim, naging isyu na naman ang tubig, ang sumasalakay na mga Amalekita ay nalupig, at hinimok si Moises ng kaniyang biyenang lalaki na humingi ng tulong sa mga lalaking may kakayahan.​—Exo, kab. 15-18.

Pagkatapos ay inakay ni Moises ang Israel patungo sa kabundukan sa gawi pa roon sa timog at nagkampo sa Bundok Sinai. Ang bayan ng Diyos ay tumanggap doon ng Kautusan, nagtayo ng tabernakulo, at naghandog ng mga hain. Noong ikalawang taon, nagtungo sila sa hilaga at tinahak ang isang ‘ilang na malaki at kakila-kilabot,’ ang paglalakbay sa lugar ng Kades (Kades-barnea), na malamang na inábot nang 11 araw. (Deu 1:​1, 2, 19; 8:15) Dahil natakot sa negatibong ulat ng sampung tiktik, napilitang magpagala-gala ang bayan sa loob ng 38 taon. (Bil 13:1–14:34) Kabilang sa hinintuan nila ay ang Abrona at Ezion-geber, at pagkatapos ay bumalik sila sa Kades.​—Bil 33:33-36.

Nang sa wakas ay malapit na ang Israel sa Lupang Pangako, hindi dumeretso ang mga Israelita pahilaga. Lumigoy sila sa pinakasentro ng Edom patungong hilaga sa “daan ng hari,” ang Lansangang-Bayan ng Hari. (Bil 21:22; Deu 2:1-8) Hindi ito naging madali para sa buong bansa​—na may mga bata, hayop, at mga tolda—​na dumaan sa lansangang ito. Kailangan nilang bagtasin ang paliku-likong daan palusong at paahon sa matatarik na bangin​—ang Zered at ang Arnon (halos 520 metro ang lalim).​—Deu 2:​13, 14, 24.

Sa wakas, narating din ng mga Israelita ang Bundok Nebo. Namatay si Miriam sa Kades, at si Aaron, sa Bundok Hor. Si Moises naman ay namatay sa lugar na doo’y natatanaw na ang lupain na hangad niyang mapasok. (Deu 32:48-52; 34:1-5) Ibinigay kay Josue ang pananagutan na akayin ang Israel papasok sa lupain, na tumapos sa isang paglalakbay na nagsimula 40 taon na ang nakalilipas.​—Jos 1:1-4.

[Talababa]

a Walang nakaaalam sa eksaktong lugar ng karamihan sa mga kampamento.

[Mapa sa pahina 9]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Ruta ng Pag-alis

Ang Ruta na Dinaanan ng Israel

A7 EHIPTO

A5 Rameses?

B5 Sucot?

C5 Etham?

C5 Pihahirot

D6 Marah

D6 Elim

E6 ILANG NG SIN

E7 Dopka

F8 Repidim

F8 Bdk. Sinai (Horeb)

F8 ILANG NG SINAI

F7 Kibrot-​hataava

G7 Hazerot

G6 Rimon-perez

G5 Risa

G3 Kades

G3 Bene-jaakan

G5 Hor-hagidgad

H5 Jotbata

H5 Abrona

H6 Ezion-geber

G3 Kades

G3 ILANG NG ZIN

H3 Bdk. Hor

H3 Zalmona

I3 Punon

I3 Iye-abarim

I2 MOAB

I1 Dibon

I1 Almon-​diblataim

H1 Jerico

[Iba pang mga lokasyon]

A3 GOSEN

A4 On

A5 Memfis (Nop)

B3 Zoan

B3 Tapanhes

C5 Migdol

D3 SUR

D5 ILANG NG ETHAM

F5 ILANG NG PARAN

G1 FILISTIA

G1 Asdod

G2 Gaza

G2 Beer-sheba

G3 Azmon

G3 NEGEB

H1 Jerusalem

H1 Hebron (Kiriat-arba)

H2 Arad (Canaanita)

H4 SEIR

H4 EDOM

I7 MIDIAN

Mga Pangunahing Lansangan

Daan Patungo sa Lupain ng mga Filisteo

Daan Patungo sa Sur

I4 Daan ng Hari

Ruta ng mga Pulutong na Naglalakbay

Ruta ng El Haj

[Kabundukan]

F8 Bdk. Sinai (Horeb)

H3 Bdk. Hor

I1 Bdk. Nebo

[Katubigan]

E2 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)

D7/G7 Dagat na Pula

I1 Dagat Asin

[Mga Ilog at sapa]

A6 Ilog Nilo

F3 A.L. ng Ehipto

I2 Arnon

I3 Zered

[Larawan sa pahina 8]

Tumawid sa Peninsula ng Sinai ang pulutong na naglalakbay

[Larawan sa pahina 8]

Nagkampo ang Israel sa harap ng Bundok Sinai

[Larawan sa pahina 9]

May nakukuhang tubig noon mula sa bukal sa Kades o malapit doon

[Larawan sa pahina 9]

Kinailangang tawirin ng buong Israel ang agusang libis ng Arnon