‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’

Lumaganap ang Kristiyanismo sa Ibang Bansa

Tagalog
Lumaganap ang Kristiyanismo sa Ibang Bansa
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
gl p. 32-33

Lumaganap ang Kristiyanismo sa Ibang Bansa

Lumaganap ang Kristiyanismo sa Ibang Bansa

SA Bundok ng mga Olibo malapit sa Betania, nag-atas si Jesus ng isang gawaing pangangaral na huhubog sa kasaysayan ng daigdig. Magsisimula ito mga tatlong kilometro sa gawing kanluran​—sa Jerusalem. Palalaganapin ang mensahe sa karatig na Judea at Samaria, hanggang sa wakas ay makarating sa “pinakamalayong bahagi ng lupa.”​—Gaw 1:​4, 8, 12.

Hindi pa natatagalan matapos sabihin ni Jesus ang mga salitang iyon, nagkasama-sama sa Kapistahan ng Pentecostes ang mga Judio at mga proselita mula sa buong Imperyo ng Roma, mula sa mga pook na makikita sa mapang nasa ibaba. Ang pangangaral ni apostol Pedro sa kanila nang araw na iyon ang nagbukas ng daan para sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo.​—Gaw 2:9-11.

Di-nagtagal at nangalat ang mga tagasunod ni Kristo dahil sa pag-uusig sa Jerusalem. Tinulungan nina Pedro at Juan ang mga Samaritano na pakinggan at tanggapin ang mabuting balita. (Gaw 8:​1, 4, 14-16) Matapos makapagpatotoo si Felipe sa isang Etiope na nasa isang daan sa disyerto pababa “mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza,” lumaganap ang Kristiyanismo sa Aprika. (Gaw 8:26-39) Halos kasabay nito, nagbunga ang mensahe sa Lida, na nasa Kapatagan ng Saron, at sa daungan ng Jope. (Gaw 9:​35, 42) Mula roon ay pumunta si Pedro sa Cesarea at tinulungan ang Romanong opisyal na si Cornelio, ang kaniyang mga kamag-anak, at ang kaniyang mga kaibigan na maging pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano.​—Gaw 10:1-48.

Si Pablo, isang dating mang-uusig, ay naging apostol sa mga bansa. Naglakbay siya sa katihan at sa karagatan sa tatlong paglalakbay bilang misyonero at sa paglalakbay sa Roma. Pinalaganap ng apostol at ng iba pa ang mabuting balita sa maraming sentro ng Imperyo ng Roma. Hinangad ni Pablo na makarating sa Espanya (Tingnan ang pahina 2.), at si Pedro naman ay naglingkod hanggang sa silangan sa Babilonya. (1Pe 5:13) Oo, sa ilalim ng aktibong pangunguna ni Kristo, pinalaganap ng kaniyang mga tagasunod ang Kristiyanismo sa ibang bansa. Pagsapit ng 60/61 C.E., ‘ang mabuting balita ay ipinangaral sa lahat ng nilalang na nasa silong ng langit.’ (Col 1:​6, 23) Mula noon, ang mabuting balitang ito ay literal na nakaabot sa “pinakamalayong bahagi ng lupa.”

[Mapa sa pahina 32]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Paglaganap ng Kristiyanismo

Mga Lugar na Napaabutan Agad ng Mabuting Balita

B1 ILIRICO

B1 ITALYA

B1 Roma

C1 MACEDONIA

C2 GRESYA

C2 Atenas

C2 CRETA

C3 Cirene

C3 LIBYA

D1 BITINIA

D2 GALACIA

D2 ASIA

D2 FRIGIA

D2 PAMFILIA

D2 CIPRUS

D3 EHIPTO

D4 ETIOPIA

E1 PONTO

E2 CAPADOCIA

E2 SICILIA

E2 MESOPOTAMIA

E2 SIRYA

E3 SAMARIA

E3 Jerusalem

E3 JUDEA

F2 MEDIA

F3 Babilonya

F3 ELAM

F4 ARABIA

G2 PARTHIA

[Katubigan]

C2 Dagat Mediteraneo

D1 Dagat na Itim

E4 Dagat na Pula

F3 Gulpo ng Persia

[Mapa sa pahina 32, 33]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Mga Paglalakbay ni Pablo

Unang Paglalakbay Bilang Misyonero (Gaw 13:1–​14:28)

H3 Antioquia (sa Sirya)

H3 Seleucia

G4 CIPRUS

G3 Salamis

G4 Pafos

G3 PAMFILIA

F3 Perga

F3 PISIDIA

F2 Antioquia (sa Pisidia)

G2 Iconio

G2 LICAONIA

G2 Listra

G3 Derbe

G2 Listra

G2 Iconio

F2 Antioquia (sa Pisidia)

F3 PISIDIA

G3 PAMFILIA

F3 Perga

F3 Atalia

H3 Antioquia (sa Sirya)

Ikalawang Paglalakbay Bilang Misyonero (Gaw 15:36–​18:22)

H3 Antioquia (sa Sirya)

H3 SIRYA

H3 SICILIA

H3 Tarso

G3 Derbe

G2 Listra

G2 Iconio

F2 Antioquia (sa Pisidia)

F2 FRIGIA

G2 GALATIA

E2 MISIA

E2 Troas

E1 SAMOTRACIA

D1 Neapolis

D1 Filipos

C1 MACEDONIA

D1 Amfipolis

D1 Tesalonica

D1 Berea

C2 GRESYA

D2 Atenas

D2 Corinto

D3 ACAYA

E2 Efeso

G4 Cesarea

H5 Jerusalem

H3 Antioquia (sa Sirya)

Ikatlong Paglalakbay Bilang Misyonero (Gaw 18:22–​21:19)

H3 SIRIA

H3 Antioquia (sa Sirya)

G2 GALATIA

F2 PHRYGIA

H3 SICILIA

H3 Tarso

G3 Derbe

G2 Listra

G2 Iconio

F2 Antioquia (sa Pisidia)

E2 Efeso

E2 ASIA

E2 Troas

D1 Filipos

C1 MACEDONIA

D1 Amfipolis

D1 Tesalonica

D1 Berea

C2 GRESYA

D2 Atenas

D2 Corinto

D1 Berea

D1 Tesalonica

D1 Amfipolis

D1 Filipos

E2 Troas

E2 Asos

E2 Mitilene

E2 KIOS

E2 SAMOS

E3 Mileto

E3 Cos

E3 RODAS

F3 Patara

H4 Tiro

H4 Tolemaida

G4 Cesarea

H5 Jerusalem

Paglalakbay Patungong Roma (Gaw 23:11–​28:31)

H5 Jerusalem

G4 Cesarea

H4 Sidon

F3 Mira

F3 LICIA

E3 Cinido

D3 CRETE

D4 CAUDA

A3 MALTA

A3 SICILIA

A3 Siracusa

A1 ITALYA

B2 Regio

A1 Puteoli

A1 Roma

Mga Pangunahing Lansangan (Tingnan ang publikasyon)

[Pitong kongregasyon]

E2 Pergamo

E2 Tiatira

E2 Sardis

E2 Smirna

E2 Efeso

F2 Filadelfia

F2 Laodicea

[Iba pang mga lokasyon]

E3 PATMOS

F2 Colosas

F5 Alejandria

F5 EHIPTO

G1 BITINIA

G5 Jope

G5 Lida

G5 Gaza

H1 PONTO

H2 CAPADOCIA

H4 Damasco

H4 Pela

[Katubigan]

D4 Dagat Mediteraneo

[Larawan sa pahina 33]

Dulaan sa Mileto, ang lunsod na doo’y kinatagpo ni Pablo ang matatanda mula sa Efeso

[Larawan sa pahina 33]

Altar ni Zeus sa Pergamo. Ang mga Kristiyano ay nanirahan sa lunsod na ito na “kinaroroonan ng trono ni Satanas”​—Apo 2:13