‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’

Ang Jerusalem at ang Templo ni Solomon

Tagalog
Ang Jerusalem at ang Templo ni Solomon
/assets/ct/29206d32a6/images/syn_placeholder_sqr.png
gl p. 20-21

Ang Jerusalem at ang Templo ni Solomon

Ang Jerusalem at ang Templo ni Solomon

TINAWAG itong “ang kasakdalan ng kariktan” at “ang bayan ng dakilang Hari.” (Aw 48:2; 50:2; Pan 2:15) Ang Jerusalem ang kabisera ng bansa ng Diyos. (Aw 76:2) Matapos agawin ni David ang lunsod mula sa mga Jebusita at gawin itong kabisera niya, tinawag itong “Lunsod ni David,” o basta “Sion.”​—2Sa 5:7.

Bagaman wala sa isang estratehikong lokasyon, ang Jerusalem ay napabantog dahil inilagay rito ng Diyos ang kaniyang pangalan. (Deu 26:2) Ito ang naging relihiyoso at pampangasiwaang sentro ng bansa.

Ang Jerusalem ay may taas na 750 metro sa gitnang kabundukan ng Judea. Tinutukoy ng Bibliya ang “katayugan” nito at ang mga mananamba na ‘umaahon’ upang marating ito. (Aw 48:2; 122:​3, 4) Ang sinaunang lunsod ay napalilibutan ng mga libis: ang Libis ng Hinom sa kanluran at timog at ang agusang libis ng Kidron sa silangan. (2Ha 23:10; Jer 31:40) Ang bukal ng Gihon a sa Libis ng Kidron at ang En-rogel sa timog ay nagsusuplay ng maiinom na tubig, na kailangang-kailangan kapag sumasalakay ang mga kaaway.​—2Sa 17:17.

Sa  dayagram sa pahina 21, ang Lunsod ni David ay kulay-pula. Noong panahon ng paghahari nina David at Solomon, ang lunsod ay lumawak pahilaga at napalakip ang Opel (kulay-berde) at ang Bundok Moria (kulay-asul). (2Sa 5:7-9; 24:16-25) Nagtayo si Solomon ng isang maringal na templo para kay Jehova sa mas mataas na dakong iyon. Gunigunihin na lamang ang napakaraming mananambang umaahon sa “bundok ni Jehova” para sa taunang mga kapistahan! (Zac 8:3) Naging madali ang gayong paglalakbay dahil sa magkakarugtong na daan na makikita sa pahina 17.

Ang templo ni Solomon, na nagagayakan ng ginto at mamahaling mga bato, ay isa sa pinakamahal na gusaling naitayo kailanman. Ang mahalaga, si Jehova ang naglaan ng arkitektural na plano nito. Gaya ng makikita mo sa ipinintang larawan, ang templo ay napaliligiran ng malalaking looban at mga gusaling pampangasiwaan. Sulit lamang na pag-aralan mo ang mga detalye nito.​—1Ha 6:1–​7:51; 1Cr 28:11-19; Heb 9:​23, 24.

[Talababa]

a Sinarhan ni Haring Hezekias ang bukal na ito at gumawa siya ng isang tunel patungo sa tipunang-tubig sa kanlurang panig.​—2Cr 32:​4, 30.

 [Dayagram/Larawan sa pahina 21]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Jerusalem/Templo ni Solomon

LUGAR NG TEMPLO NOONG PANAHON NI SOLOMON

Mga Bahagi ng Templo

1. Kabanal-banalan

2. Banal

3. Beranda

4. Boaz

5. Jakin

6. Altar na Tanso

7. Binubong Dagat

8. Mga Karwahe

9. Mga Tagilirang Silid

10. Mga Silid-Kainan

11. Pinakaloob na Looban

LUGAR NG TEMPLO

Bdk. Moria

Mga Silid-Kainan

Mga Karwahe

Mga Tagilirang Silid

Kabanal-banalan

Boaz

Banal

Beranda

Altar na Tanso

Pinakaloob na Looban

Mga Karwahe

Jakin

Binubong Dagat

Opel

Liwasan?

Pintuang-daan ng Tubig?

LUNSOD NI DAVID

Bdk. Sion

Palasyo ni David

Pintuang-daan ng Bukal

Pader ni Manases?

Tore ng Hananel

Tore ng Mea

Pintuang-daan ng mga Tupa

Pintuang-daan ng Bantay

Pintuang-daan ng Pagsisiyasat

Pintuang-daan ng mga Kabayo

LIBIS NG KIDRON

Mas Mababang Pader?

Gihon

Mas huling tunel ng tubig

LIBIS NG TYROPOEON

Pintuang-daan ng mga Bunton ng Abo (mga Basag na Palayok) (Dumi)

En-rogel

Pintuang-daan ng Libis

LIBIS NG HINOM

Panulukang Pintuang-daan

Tore ng mga Lutuang Pugon

Malapad na Pader

Pintuang-daan ng Efraim

Liwasan

Pintuang-daan ng Matandang Lunsod

Naunang Pader sa Hilaga

IKALAWANG PUROK

Pintuang-daan ng mga Isda

[Larawan]

Opel

Bahay ng Anak na Babae ni Paraon

Palasyo ni Solomon

Bahay ng Kagubatan ng Lebanon

Beranda ng mga Haligi

Beranda ng Trono

Bdk. Moria

Malaking Looban

Templo

[Larawan sa pahina 20]

Nasa dakong unahan ang “Lunsod ni David.” Ang templo ay nasa patag na lugar (sa likuran)

[Larawan sa pahina 20]

Ang sinaunang “Lunsod ni David” at ang templo ni Solomon ayon sa pagkakagawa sa computer