‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’

Ang Israel at ang Nakapaligid na mga Bansa

Tagalog
Ang Israel at ang Nakapaligid na mga Bansa
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
gl p. 10-11

Ang Israel at ang Nakapaligid na mga Bansa

Ang Israel at ang Nakapaligid na mga Bansa

SINABI ni Jehova kay Abraham: ‘Lumabas ka mula sa Ur sa Mesopotamia patungo sa lupain na ipakikita ko sa iyo.’ Ang lupaing iyon ay tinatahanan at napaliligiran ng ibang mga bansa.​—Gen 12:1-3; 15:17-21.

Sa pag-alis ng bayan ng Diyos sa Ehipto, batid nila na posibleng makasagupa nila ang mga kaaway, gaya ng “mga makapangyarihang pinuno ng Moab.” (Exo 15:​14, 15) Ang mga Amalekita, Moabita, Ammonita, at Amorita ay madaraanan ng Israel patungong Lupang Pangako. (Bil 21:11-13; Deu 2:17-33; 23:​3, 4) At makakasagupa ng mga Israelita ang iba pang kaaway na bansa sa lupaing ipinangako sa kanila ng Diyos.

Sinabi ng Diyos na “aalisin” ng Israel ang pitong “mataong mga bansa”​—ang mga Hiteo, Girgasita, Amorita, Canaanita, Perizita, Hivita, at Jebusita—​na karapat-dapat sa pagkapuksa. Mababa ang kanilang moral at tiwali ang kanilang relihiyon. Kabilang sa kanilang mga diyos sina Baal (napabantog dahil sa mga haliging bato na inanyuang gaya ng ari ng lalaki), Molec (pinaghahainan ng mga bata), at ang diyosa ng pag-aanak na si Astoret (Astarte).​—Deu 7:1-4; 12:31; Exo 23:23; Lev 18:21-​25; 20:​2-5; Huk 2:​11-​14; Aw 106:​37, 38.

Kung minsan, ang buong lugar na ibinibigay ng Diyos sa Israel ay tinatawag na “Canaan,” mula sa hilaga ng Sidon hanggang sa “agusang libis ng Ehipto.” (Bil 13:​2, 21; 34:2-12; Gen 10:19) May mga pagkakataon naman na binabanggit sa Bibliya ang mga pangalan ng iba’t ibang bansa, estadong-lunsod, o mga mamamayan sa lupaing iyon. Ang ilan ay may partikular na mga lokasyon, gaya ng mga Filisteo na nasa baybayin at mga Jebusita na nasa bulubunduking malapit sa Jerusalem. (Bil 13:29; Jos 13:3) Ang iba naman ay lumipat sa ibang lugar o teritoryo sa paglipas ng panahon.​—Gen 34:​1, 2; 49:30; Jos 1:4; 11:3; Huk 1:​16, 23-26.

Noong panahon ng Pag-alis ng mga Israelita, ang mga Amorita ang malamang na siyang pinakamalakas na tribo. a (Deu 1:19-21; Jos 24:15) Nasakop na nila ang lupain ng mga Moabita pababa sa agusang libis ng Arnon, bagaman ang lugar sa kabilang ibayo ng Jerico ay tinatawag pa ring “mga disyertong kapatagan ng Moab.” Pinamahalaan din ng mga Amoritang hari ang Basan at Gilead.​—Bil 21:21-23, 33-35; 22:1; 33:46-51.

Bagaman nasa likod nila ang Diyos, hindi itinaboy ng mga Israelita ang lahat ng hinatulang mga bansa, na naging silo sa Israel sa paglipas ng panahon. (Bil 33:55; Jos 23:13; Huk 2:3; 3:​5, 6; 2Ha 21:11) Oo, naging biktima ang mga Israelita sa kabila ng babalang: “Huwag kayong susunod sa ibang mga diyos, alinmang diyos ng mga bayan na nasa buong palibot ninyo.”​—Deu 6:14; 13:7.

[Talababa]

a Katulad ng “Canaanita,” ang “Amorita” ay maaaring gamiting panlahatan para sa mga mamamayan ng lupain o maaaring tumukoy sa indibiduwal na tribo.​—Gen 15:16; 48:22.

[Mapa sa pahina 11]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Mga Bansang Itataboy Mula sa Lupang Pangako

FILISTIA (D8)

C8 Askelon

C9 Gaza

D8 Asdod

D8 Gat

D9 Gerar

CANAAN (D8)

B10 MGA AMALEKITA

C12 Hazar-addar (Addar?)

C12 Kades (Kades-barnea)

D8 Lakis

D9 Beer-sheba

D10 MGA AMORITA

D11 NEGEB

E4 Dor

E5 Megido

E5 Taanac

E6 Apek

E6 MGA HIVITA

E7 MGA JEBUSITA

E8 Bet-semes

E8 Hebron (Kiriat-arba)

E9 MGA HITEO

E9 Debir

E10 Arad (Canaanita)

E10 MGA KENITA

E11 Akrabim

F4 MGA GIRGASITA

F6 Sikem

F7 MGA PERIZITA

F7 Gilgal

F7 Jerico

F8 Jerusalem

G2 MGA HIVITA

G2 Dan (Lais)

G3 Hazor

FENICIA (F2)

E2 Tiro

F1 Sidon

EDOM (F12)

F11 SEIR

G11 Bozra

MGA AMORITA (SIHON) (G8)

G6 GILEAD

G7 Sitim

G7 Hesbon

G9 Aroer

SIRYA (H1)

G1 Baal-gad

G2 MGA HIVITA

I1 Damasco

MOAB (H10)

MGA AMORITA (OG) (I5)

G6 GILEAD

H3 BASAN

H4 Astarot

H4 Edrei

AMMON (I7)

H7 Raba

[Mga ilang]

H12 DISYERTO NG ARABIA

[Kabundukan]

E4 Bdk. Carmel

E11 Bdk. Hor

G1 Bdk. Hermon

G8 Bdk. Nebo

[Katubigan]

C6 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)

F9 Dagat Asin

G4 Dagat ng Galilea

[Mga ilog at sapa]

B11 A.L. ng Ehipto

F6 Ilog Jordan

G6 A.L. ng Jabok

G9 A.L. ng Arnon

G11 A.L. ng Zered

[Mga larawan sa pahina 10]

Sa kanan: Pinamahalaan ni Haring Og ang Basan, na napabantog dahil sa mga toro at tupa nito

Sa ibaba: Ang Moab, tanaw ang Dagat Asin hanggang sa ilang ng Juda

[Larawan sa pahina 11]

Inutusan ni Jehova ang Israel na itaboy ang mga bansang sumasamba sa huwad na mga diyos, na gaya nina Baal, Molec, at ng diyosa ng pag-aanak na si Astoret (makikita rito)