‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’

Ang Israel Noong Panahon Nina David at Solomon

Tagalog
Ang Israel Noong Panahon Nina David at Solomon
/assets/ct/29206d32a6/images/syn_placeholder_sqr.png
gl p. 16-17

Ang Israel Noong Panahon Nina David at Solomon

Ang Israel Noong Panahon Nina David at Solomon

NANGAKO ang Diyos na ibibigay sa binhi ni Abram ang lupain “mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa . . . ilog ng Eufrates.” (Gen 15:18; Exo 23:31; Deu 1:​7, 8; 11:24) Nang makapasok si Josue sa Canaan, mga apat na siglo na ang nakalilipas bago nakaabot sa mga hangganang iyon ang Lupang Pangako.

Nasakop ni Haring David ang Arameanong kaharian ng Zoba, na umabot sa Eufrates sa hilagang Sirya. a Sa timog naman, ang tagumpay ni David laban sa mga Filisteo ay nagdala sa kaniya hanggang sa hanggahan ng Ehipto.​—2Sa 8:3; 1Cr 18:1-3; 20:4-8; 2Cr 9:26.

Pagkatapos ay namahala si Solomon “mula sa Ilog [Eufrates] hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hanggang sa hangganan ng Ehipto,” na naglalarawan sa mapayapang pamamahala ng Mesiyas. (1Ha 4:21-25; 8:65; 1Cr 13:5; Aw 72:8; Zac 9:10) Gayunman, ang lugar na nasakop ng Israel ay karaniwang sinasabi na umaabot “mula sa Dan hanggang Beer-sheba.”​—2Sa 3:10; 2Cr 30:5.

Sa pagsuway sa Diyos, nagtipon si Haring Solomon ng mga kabayo at karo. (Deu 17:16; 2Cr 9:25) Nadala niya ang mga ito sa magkakarugtong na daan at lansangang-bayan. (Jos 2:​22; 1Ha 11:29; Isa 7:3; Mat 8:28) Mayroon tayong detalyadong ruta ng ilan lamang sa mga ito, gaya ng “lansangang-bayan na paahon mula sa Bethel tungo sa Sikem at sa dakong timog ng Lebona.”​—Huk 5:6; 21:19.

Ganito ang sabi ng The Roads and Highways of Ancient Israel: “Ang pinakakapansin-pansing problema sa pagsusuri sa magkakarugtong na daan sa Israel ay ang bagay na wala nang natitirang aktuwal na bakas ng mga daan sa bansang iyon mula sa panahon ng Lumang Tipan, dahil hindi pa nalalatagan ng bato ang mga daan noong [panahong iyon].” Subalit, ibinabadya ng topograpiya at ng nahukay na mga labí ng mga lunsod ang direksiyon ng marami sa mga daan.

Karaniwan nang nakaaapekto ang mga daan sa galaw ng mga tropa. (1Sa 13:​17, 18; 2Ha 3:5-8) Upang salakayin ang Israel, ang mga Filisteo ay nagmartsa mula Ekron at Gat patungo sa isang dako “sa pagitan ng Socoh at Azeka.” Sinalubong sila roon ng hukbo ni Saul “sa mababang kapatagan ng Elah.” Nang mapatay ni David si Goliat, tumakas ang mga Filisteo pabalik sa Gat at Ekron, at si David naman ay umahon sa Jerusalem.​—1Sa 17:1-54.

Ang Lakis (D10), Azeka (D9), at Bet-semes (D9) ay nasa likas na mga ruta na bumabagtas sa Sepela at patungo sa mga burol ng Juda. Kaya napakahalaga ng mga lunsod na ito sa pagharang sa mga kaaway na dumaraan sa Via Maris upang hindi sila makapasok sa pinakasentro ng Israel.​—1Sa 6:​9, 12; 2Ha 18:13-17.

[Talababa]

a Ang teritoryo ng mga Rubenita ay nakaabot hanggang sa Disyerto ng Sirya, na ang hangganan sa kanluran ay ang Eufrates.​—1Cr 5:​9, 10.

[Mga mapa sa pahina 17]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Teritoryo at mga Daan sa Panahon ng Nagkakaisang Monarkiya

Mga Hangganan (Panahon ni Solomon)

Tipsa

Hamat

Tadmor

Berotai (Cun?)

Sidon

Damasco

Tiro

Dan

Jerusalem

Gaza

Aroer

Beer-sheba

Tamar

Ezion-geber

Elat (Elot)

[Mga ilog at sapa]

Eufrates

A.L. ng Ehipto

David at Solomon (mga lansangan)

B10 Gaza

C8 Jope

C9 Asdod

C10 Askelon

C11 Ziklag

C12 ILANG NG PARAN

D5 Dor

D6 Heper

D8 Apek

D8 Rama

D9 Saalbim

D9 Gezer

D9 Makaz

D9 Ekron

D9 Bet-semes

D9 Gat

D9 Azeka

D10 Soco(h)

D10 Adulam

D10 Keila

D10 Lakis

D11 Jatir

D12 Beer-sheba

E2 Tiro

E4 Cabul

E5 Jokneam (Jokmeam?)

E5 Megido

E6 Taanac

E6 Arubot

E7 Piraton

E8 Lebona

E8 Zereda

E8 Bethel

E9 Mababang Bet-horon

E9 Mataas na Bet-horon

E9 Geba

E9 Gibeon

E9 Gibeah

E9 Kiriat-jearim

E9 Nob

E9 Baal-perazim

E9 Jerusalem

E9 Betlehem

E10 Tekoa

E10 Hebron

E11 Zip

E11 Hores?

E11 Carmel

E11 Maon

E11 Estemoa

F5 En-dor

F5 Sunem

F5 Jezreel

F6 Bet-sean

F7 Tirza

F7 Sikem

F8 Zaretan

F8 Shilo

F8 Opra?

F9 Jerico

F11 En-gedi

G2 Abel-bet-maaca

G2 Dan

G3 Hazor

G3 MAACA

G5 Lo-debar (Debir)

G5 Rogelim

G6 Abel-mehola

G7 Sucot

G7 Mahanaim

H1 SIRYA

H4 GESUR

H6 Ramot-gilead

H8 Raba

H9 Medeba

H11 Aroer

H12 MOAB

I4 Helam?

I9 AMMON

[Mga Pangunahing Lansangan]

C10 Via Maris

H6 Daan ng Hari

[Kabundukan]

F5 Bdk. Gilboa

[Katubigan]

C8 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)

F10 Dagat Asin (Dagat na Patay)

G4 Dagat ng Galilea

[Bukal o balon]

E9 En-rogel

[Mga larawan sa pahina 16]

Sa kanan: Libis ng Elah, tanaw ang mga burol ng Juda sa gawing silangan

Sa ibaba: Naging posible ang paglalakbay sa Lupang Pangako dahil sa magkakarugtong na daan