Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!

Nilipol ng Diyos ang Masamang Daigdig

Tagalog
Nilipol ng Diyos ang Masamang Daigdig
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
le p. 9-10
Nilipol ng Diyos ang Masamang Daigdig

Nilipol ng Diyos ang Masamang Daigdig

18 Dumami ang mga supling ni Adan. Sila’y naging napakasama rin. Minabuti ng Diyos na lipulin sila.—Genesis 6:1, 5, 7

19 Pero si Noe ay isang mabuting tao.—Genesis 6:8, 9

Pinagawa siya ng Diyos na Jehova ng isang kaylaki-laking bangka na sasakyan nila para makaligtas silang mag-anak pagka nilipol na ang masasamang tao. Ang bangkang ito’y parang isang malaking kahon. Daong ang tawag doon.—Genesis 6:13, 14

20 Sila’y nagdala ng maraming hayop sa loob ng daong.—Genesis 6:19-21

21 Nagpaulan nang malakas si Jehova. Namatay ang lahat ng masasama. Naligtas ang mga nasa daong. Alam mo kung bakit?—Genesis 6:17; 7:11, 12, 21; 1 Pedro 3:10-12