Job 31:1-40

  • Ipinagtanggol ni Job ang katapatan niya (1-40)

    • “Nakipagtipan ako sa mga mata ko” (1)

    • Hiniling na timbangin siya ng Diyos (6)

    • Hindi nangangalunya (9-12)

    • Hindi maibigin sa pera (24, 25)

    • Hindi sumasamba sa idolo (26-28)

31  “Nakipagtipan ako sa mga mata ko.+ Kaya paano ko magagawang tumingin nang may pagnanasa sa isang dalaga?+   Kung gagawin ko iyon, ano ang magiging bahagi ko mula sa Diyos sa itaas?Ano ang mana ko mula sa Makapangyarihan-sa-Lahat sa kaitaasan?   Hindi ba kapahamakan ang naghihintay sa gumagawa ng masamaAt trahedya sa mga gumagawa ng nakasasakit?+   Hindi ba nakikita niya ang mga lakad ko+At binibilang ang lahat ng hakbang ko?   Lumakad ba ako sa landas ng kasinungalingan?* Nagmadali ba ang paa ko para manlinlang?+   Timbangin nawa ako ng Diyos sa wastong timbangan;+Sa gayon, makikita niya ang katapatan ko.+   Kung lumihis sa daan ang aking hakbang+O kung ang puso ko ay sumunod sa mga mata ko+O kung nadungisan ang aking mga kamay,   Kainin nawa ng iba ang inihasik ko+At mabunot nawa ang itinanim* ko.   Kung ang puso ko ay naakit sa isang babae+At nag-abang ako+ sa pintuan ng kapuwa ko, 10  Maggiling nawa ang asawa ko ng butil para sa ibang lalakiAt sipingan siya ng* ibang mga lalaki.+ 11  Dahil kung ginawa ko iyon, iyon ay kahiya-hiyang paggawi,Isang kasalanang dapat lapatan ng parusa ng mga hukom.+ 12  Iyon ay isang apoy na lalamon at pupuksa,*+At tutupukin nito pati ang ugat ng* lahat ng aking ani.* 13  Kung pinagkaitan ko ng katarungan ang aking aliping lalaki o babaeNoong may reklamo* sila laban sa akin, 14  Ano ang gagawin ko kapag hinarap ako ng* Diyos? Ano ang isasagot ko kapag tinanong niya ako?+ 15  Hindi ba ang lumikha sa akin sa sinapupunan ay ang lumikha rin sa kanila?+ Hindi ba iisa lang ang gumawa sa amin bago kami ipanganak?+ 16  Kung ipinagkait ko sa mahihirap ang kahilingan nila+O pinalungkot* ko ang mga mata ng biyuda;+ 17  Kung mag-isa kong inubos ang pagkain koAt hindi ko binigyan ang mga ulila;+ 18  (Dahil mula noong kabataan ko, naging gaya na ako ng ama para sa ulila,*At bata pa ako,* tinutulungan ko na ang biyuda.*) 19  Kung may nakita akong taong walang damit at mamamatay na sa lamigO ng dukha na walang maisuot;+ 20  Kung hindi niya ako pinasalamatan*+Habang nagpapainit siya gamit ang balahibo ng tupa ko; 21  Kung pinagbantaan ko ang ulila gamit ang kamao ko+Noong kailangan niya ang tulong ko* sa pintuang-daan ng lunsod;+ 22  Kung gayon, matanggal nawa ang braso* ko mula sa balikatAt mabali nawa ang braso ko sa bandang siko.* 23  Dahil natatakot ako sa kapahamakan mula sa Diyos,At hindi ako makatatayo sa harap ng kaluwalhatian niya. 24  Kung sa ginto ako nagtiwalaO sinabi ko sa purong ginto, ‘Ikaw ang proteksiyon ko!’+ 25  Kung ang malaking kayamanan ko ang nagpapaligaya sa akin+Dahil marami akong tinataglay;+ 26  Kung nakita ko ang araw* na sumisinagO ang magandang buwan na naglalakbay sa kalangitan;+ 27  At lihim na naakit ang puso ko,At hinalikan ko ang aking kamay para sambahin ang mga ito;+ 28  Kung gayon, iyon ay kasalanang dapat lapatan ng parusa ng mga hukom,Dahil iyon ay pagtalikod sa tunay na Diyos sa itaas. 29  Nagsasaya ba ako kapag napapahamak ang kaaway ko+O natutuwa dahil may masamang nangyari sa kaniya? 30  Hindi ko pinahintulutang magkasala ang bibig koSa pagsumpa na mamatay na sana siya.+ 31  Hindi ba sinabi ng mga taong nasa loob ng tolda ko,‘Mayroon bang hindi nabubusog sa inihanda niyang pagkain?’*+ 32  Walang estranghero* ang nagpapalipas ng gabi sa labas;+Pinagbubuksan ko ng pinto ang manlalakbay. 33  Pinagtatakpan ko ba ang mga kasalanan ko, gaya ginagawa ng iba,+At itinatago ang pagkakamali ko sa bulsa ng damit ko? 34  Natatakot ba ako sa reaksiyon ng mga taoO sa panghahamak ng ibang pamilyaAt nananahimik na lang at natatakot lumabas? 35  Kung may makikinig lang sana sa akin!+ Lalagyan ko ng lagda ang sinabi ko.* Sagutin nawa ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat!+ Kung isinulat lang sana* ng nag-aakusa sa akin ang mga paratang niya! 36  Papasanin ko ang dokumentong iyonAt ilalagay ko sa ulo ko na gaya ng korona. 37  Iisa-isahin ko sa kaniya ang mga hakbang ko;Taas-noo akong lalapit sa kaniya gaya ng isang prinsipe. 38  Kung dumaing laban sa akin ang sarili kong lupaAt magkakasamang umiyak ang mga tudling* nito; 39  Kung kinain ko ang bunga nito nang walang bayad,+O kung pinahirapan ko ang mga may-ari nito;+ 40  Matitinik na halaman sana ang tumubo rito imbes na trigo,At mababahong panirang-damo imbes na sebada.” Dito nagtatapos ang mga salita ni Job.

Talababa

O posibleng “Lumakad ba ako kasama ng mga sinungaling?”
O “ang mga inapo.”
Lit., “At paluhurin sa ibabaw niya ang.”
Lit., “lalamon hanggang sa pagkapuksa.”
O “At bubunutin nito ang.”
O “pinaghirapan.”
O “kaso.”
Lit., “kapag tumayo ang.”
Lit., “pinalabo.”
Lit., “kaniya.”
Lit., “At nasa sinapupunan pa ako ng aking ina.”
Lit., “siya.”
Lit., “Kung hindi ako pinagpala ng balakang niya.”
O posibleng “Noong makita kong may kakampi ako.”
O “paypay.”
O “mula sa dugtungan nito; mula sa itaas na bahagi ng braso.”
Lit., “liwanag.”
Lit., “karne.”
O “dayuhang naninirahan sa lupain.”
O “Heto ang pirma ko.”
O “isinulat lang sana sa isang dokumento.”
Makitid na hukay sa inararong lupa.