Job 30:1-31

  • Inilarawan ni Job ang nagbagong kalagayan niya (1-31)

    • Tinuya ng mga walang-kabuluhang tao (1-15)

    • Parang hindi siya tinutulungan ng Diyos (20, 21)

    • “Nangitim ang balat ko” (30)

30  “Ngayon ay pinagtatawanan nila ako+—Mga lalaking mas bata sa akin,Na anak ng mga taongHindi ko man lang patutulungin sa mga asong nagbabantay sa kawan ko.   Ano ang silbi sa akin ng lakas nila? Wala na silang sigla.   Nanghihina sila dahil sa kakapusan at gutom;Ngumunguya sila ng buhangin sa tuyot na lupainNa wasak na at tiwangwang.   Nangunguha sila ng maalat na dahon* mula sa mga palumpongAt mapapait na ugat ng puno* para makain.   Pinalalayas sila sa komunidad;+Sinisigawan sila ng mga tao na parang magnanakaw sila.   Nakatira sila sa dalisdis ng mga bangin,*Sa mga lungga sa lupa at mga uka sa malalaking bato.   Dumaraing sila mula sa mga palumpongAt nagsisiksikan sa mga halamang kulitis.   Dahil anak sila ng mga mangmang at walang kabuluhan,*Itinataboy sila mula sa* lupain.   Pero ngayon, tinutuya nila ako kahit sa mga kanta nila;+Naging tampulan ako ng panlalait nila.*+ 10  Kinasusuklaman nila ako at nilalayuan;+Hindi sila nagdadalawang-isip na duraan ako sa mukha.+ 11  Dahil ginawa akong walang kalaban-laban ng Diyos* at ibinaba niya ako,Hindi na sila nagpipigil* sa harap ko. 12  Sama-sama silang sumasalakay mula sa kanan ko;Pinatakas nila ako,Pero naglagay naman sila ng mga bitag* sa daan para ipahamak ako. 13  Sinisira nila ang dadaanan koAt pinalalala ang paghihirap ko;+Walang pumipigil* sa kanila. 14  Pumapasok sila na parang may malaking butas sa pader;Sumusugod sila sa kabila ng pagkawasak. 15  Nababalot ako ng takot;Ang dangal ko ay tinatangay na gaya ng hangin,At ang kaligtasan ko ay naglalahong gaya ng ulap. 16  Ngayon ay malapit na akong mamatay;+Hindi ako iniwan ng mga araw ng paghihirap ko.+ 17  Tumatagos sa buto ko ang kirot* kapag gabi;+Ayaw akong tigilan ng sakit.+ 18  Napipilipit ang kasuotan ko dahil sa malakas na puwersa;*Naging gaya ito ng masikip na kuwelyong sumasakal sa akin. 19  Inihagis ako ng Diyos sa putikan;Naging gaya na lang ako ng alabok at abo. 20  Humihingi ako sa iyo ng tulong, pero hindi ka sumasagot;+Tumayo ako, pero tiningnan mo lang ako. 21  Naging malupit ka sa akin;+Ginamit mo ang buong lakas ng kamay mo para saktan ako. 22  Binubuhat mo ako at pinatatangay sa hangin;Pagkatapos ay inihahagis mo ako sa bagyo.* 23  Dahil alam kong ibababa mo ako sa libingan,*Sa bahay na pupuntahan ng lahat ng nabubuhay. 24  Pero walang magpapabagsak sa taong walang kalaban-laban*+Habang humihingi siya ng tulong sa panahon ng paghihirap niya. 25  Hindi ba umiyak ako para sa mga nagdurusa? Hindi ba nalungkot ako para sa mahihirap?+ 26  Kabutihan ang inaasahan ko, pero kasamaan ang dumating;Liwanag ang hinihintay ko, pero kadiliman ang dumating. 27  Laging balisa ang puso ko;Sinalubong ako ng mga araw ng paghihirap. 28  Naglalakad ako nang malungkot;+ walang sikat ng araw. Tumayo ako sa gitna ng mga tao at humingi ng tulong. 29  Naging kapatid ako ng mga chakalAt kasamahan ng mga avestruz.*+ 30  Nangitim ang balat ko at nabakbak;+Nag-iinit* ang mga buto ko. 31  Ang alpa ko ay nagagamit lang para sa pagdadalamhati,At ang plawta* ko para sa pagtugtog sa mga umiiyak.

Talababa

O “ng halamang asin.”
O “punong retama.”
O “wadi.”
O “walang pangalan.”
Lit., “Nilalatigo sila palabas ng.”
Lit., “Naging kasabihan ako sa kanila.”
Lit., “Dahil kinalag niya ang bagting ng búsog ko.”
O “Nagtanggal sila ng renda.”
O “harang.”
O posibleng “tumutulong.”
Lit., “Binabarena ang buto ko.”
O posibleng “Nag-iiba ang hitsura ko dahil sa tindi ng paghihirap ko.”
O posibleng “ay pinaglalaho mo ako sa dagundong.”
Lit., “kamatayan.”
Lit., “sa bunton ng guho.”
Sa Ingles, ostrich.
O posibleng “Nag-iinit dahil sa lagnat.”
O “tipano.”