Mga Panaghoy 5:1-22

5  O Jehova, alalahanin mo ang nangyari sa amin. Tingnan mo ang sinapit naming kahihiyan.+  2  Ang mana namin ay ibinigay sa mga estranghero; ang mga bahay namin, sa mga dayuhan.+  3  Kami ay naulila, walang ama; ang aming mga ina ay gaya ng mga biyuda.+  4  Kailangan naming magbayad para mainom ang sarili naming tubig,+ at binabayaran namin ang sarili naming panggatong.  5  Maaabutan na kami ng* mga tumutugis sa amin;Pagod na pagod na kami, pero hindi kami makapagpahinga.+  6  Iniaabot namin ang kamay namin sa Ehipto+ at sa Asirya,+ para makakain ng sapat na tinapay.  7  Wala na ang mga ninuno namin na nagkasala, pero pinagbabayaran namin ang mga pagkakamali nila.  8  Mga lingkod ang namamahala sa amin ngayon; walang sinumang nagliligtas sa amin mula sa kamay nila.  9  Dahil sa espada sa ilang, isinasapanganib namin ang buhay namin+ para makakuha ng tinapay. 10  Ang balat namin ay naging kasing-init ng hurno, dahil sa sobrang gutom.+ 11  Winalang-dangal* nila ang mga asawang babae sa Sion, ang mga dalaga sa mga lunsod ng Juda.+ 12  Ang matataas na opisyal ay tinalian sa kamay at ibinitin,+ at ang matatandang lalaki ay hindi iginalang.+ 13  Ang mga kabataang lalaki ay bumubuhat ng gilingan,* at ang mga batang lalaki ay nadadapa sa bigat ng buhat nilang kahoy. 14  Wala na ang matatandang lalaki sa pintuang-daan ng lunsod;+ hindi na tumutugtog ang mga kabataang lalaki.+ 15  Wala nang kagalakan sa puso namin; ang sayawan ay napalitan ng pagdadalamhati.+ 16  Ang korona sa ulo namin ay nahulog. Kaawa-awa kami, dahil nagkasala kami! 17  Dahil dito ay nasasaktan ang puso namin,+At dahil sa mga bagay na ito ay lumabo ang mga mata namin.+ 18  Dahil tiwangwang ang Bundok Sion,+ gumagala-gala na roon ang mga asong-gubat.* 19  Pero ikaw, O Jehova, mananatili kang nakaupo sa iyong trono magpakailanman. Ang trono mo ay mananatili sa lahat ng henerasyon.+ 20  Bakit lubusan mo kaming kinalimutan at pinabayaan nang napakatagal?+ 21  Panumbalikin mo kami sa iyo, O Jehova, at manunumbalik kami agad sa iyo.+ Ibalik mo ang masasayang araw namin.+ 22  Pero lubusan mo kaming itinakwil. Galit na galit ka pa rin sa amin.+

Talababa

Lit., “Malapit na sa leeg namin ang.”
O “Ginahasa.”
O “gilingang pangkamay.”
Sa Ingles, fox.

Study Notes

Media