Mikas 4:1-13

4  Sa huling bahagi ng mga araw,*Ang bundok ng bahay ni Jehova+Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,At dadagsa roon ang mga bayan.+  2  At maraming bansa ang magpupunta roon at magsasabi: “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni JehovaAt sa bahay ng Diyos ni Jacob.+ Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.  3  Siya ay hahatol sa maraming bayan+At magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa malalakas na bansa sa malayo. Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro*At ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.+ Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa,At hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.+  4  Uupo* ang bawat isa sa kanila sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos,+At walang sinumang tatakot sa kanila,+Dahil si Jehova ng mga hukbo ang nagsabi nito.  5  Dahil ang lahat ng bayan ay susunod sa* kanilang diyos,Pero tayo ay susunod kay* Jehova na ating Diyos+ magpakailanman.  6  “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,“Titipunin ko ang bayang iika-ika,At titipunin ko ang bayang nangalat,+Kasama ng mga pinighati ko.  7  May ititira ako mula sa bayang iika-ika,+At ang dinala sa malayo ay gagawin kong malakas na bansa;+At si Jehova ay mamamahala sa kanila sa Bundok Sion bilang hari,Ngayon at magpakailanman.  8  At ikaw, O toreng nagbabantay sa kawan,Ang burol ng anak na babae ng Sion,+Babalik iyon sa iyo, oo, ang unang* pamamahala ay babalik sa iyo,+Ang kahariang pag-aari ng anak na babae ng Jerusalem.+  9  Ngayon ay bakit ka humihiyaw? Wala ka bang hari,O wala na ba ang tagapayo mo,Kaya dumaranas ka ng matinding kirot gaya ng isang babaeng nanganganak?+ 10  Mamilipit ka sa sakit at dumaing, O anak na babae ng Sion,Gaya ng babaeng nanganganak,Dahil mula ngayon ay aalis ka sa lunsod at titira sa parang. Makakarating ka hanggang sa Babilonya,+At doon ay ililigtas ka;+Doon ay tutubusin ka ni Jehova mula sa kamay ng mga kaaway mo.+ 11  Ngayon ay maraming bansa ang magtitipon laban sa iyo;Sasabihin nila, ‘Hayaan natin siyang malapastangan,At panoorin natin ang mangyayaring ito sa Sion.’ 12  Pero hindi nila alam ang kaisipan ni Jehova,Hindi nila naiintindihan ang layunin niya;Dahil titipunin niya silang gaya ng isang hanay ng bagong-gapas na uhay para dalhin sa giikan. 13  Tumayo ka at maggiik, O anak na babae ng Sion;+Dahil ang iyong sungay ay gagawin kong bakal,At ang iyong mga kuko ay gagawin kong tanso,At dudurugin mo ang maraming bayan.+ Ibibigay mo kay Jehova ang mga bagay na nakuha nila sa pandaraya,At ang yaman nila ay ibibigay mo sa tunay na Panginoon ng buong lupa.”+

Talababa

O “Sa mga huling araw.”
O “tagubilin.”
Lit., “talim ng araro.”
O “Maninirahan.”
Lit., “ay lalakad sa pangalan ni.”
Lit., “lalakad sa pangalan ng.”
O “dating.”

Study Notes

Media