Mikas 3:1-12

3  Sinabi ko: “Makinig kayo, pakisuyo, kayong mga ulo ng sambahayan ni JacobAt kayong mga pinuno ng sambahayan ng Israel.+ Hindi ba dapat ay alam ninyo kung ano ang makatarungan?   Pero napopoot kayo sa mabuti+ at iniibig ninyo ang masama;+Binabalatan ninyo ang bayan ko at inaalis ang laman mula sa mga buto nila.+   Kinakain din ninyo ang laman ng aking bayan+At binabalatan sila,Binabasag ang kanilang mga buto, dinudurog ang mga ito,+Gaya ng nasa lutuan,* gaya ng karne sa isang lutuan.   Sa panahong iyon, hihingi sila ng saklolo kay Jehova,Pero hindi niya sila sasagutin. Itatago niya ang kaniyang mukha mula sa kanila sa panahong iyon,+Dahil sa masasamang ginagawa nila.+   Ito ang sinabi ni Jehova laban sa mga propetang nagliligaw sa aking bayan,+Na sumisigaw ng ‘Kapayapaan!’+ kapag may mangunguya* ang mga ngipin nila+Pero nagdedeklara* ng digmaan laban sa hindi nagsusubo ng anuman sa bibig nila:   ‘Sasapit ang gabi,+ pero hindi kayo magkakaroon ng pangitain;+Puro kadiliman lang ang makikita ninyo, at hindi kayo makapanghuhula. Lulubugan ng araw ang mga propeta,At ang araw ay magdidilim sa kanila.+   Ang mga nakakakita ng pangitain ay mapapahiya,+At ang mga manghuhula ay mabibigo. Tatakpan nilang lahat ang kanilang bigote,*Dahil walang sagot mula sa Diyos.’”   Ako naman ay punô ng kapangyarihan sa pamamagitan ng espiritu ni Jehova,At ng katarungan at kalakasan,Para sabihin sa Jacob ang paghihimagsik niya at sa Israel ang kasalanan niya.   Pakinggan ninyo ito, pakisuyo, kayong mga ulo ng sambahayan ni JacobAt kayong mga pinuno ng sambahayan ng Israel,+Na nasusuklam sa katarungan at bumabaluktot sa lahat ng tuwid,+ 10  Na nagtatayo sa Sion sa pamamagitan ng pagpatay at sa Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.+ 11  Ang mga lider* niya ay humahatol dahil sa suhol,+Ang mga saserdote niya ay nagtuturo nang may bayad,+At ang mga propeta niya ay nanghuhula kapalit ng pera.*+ Pero umaasa sila kay Jehova* at nagsasabi: “Hindi ba’t nasa panig natin si Jehova?+ Hindi tayo mapapahamak.”+ 12  Kaya dahil sa inyo,Ang Sion ay aararuhing gaya ng isang bukid,Ang Jerusalem ay magiging mga bunton ng guho,+At ang bundok ng Bahay* ay magiging gaya ng matataas na lugar sa kagubatan.*+

Talababa

O “lutuan na maluwang ang bibig.”
O posibleng “habang kumakagat.”
Lit., “nagpapabanal.”
O “bibig.”
Lit., “ulo.”
O “pilak.”
O “sinasabi nilang umaasa sila kay Jehova.”
O “templo.”
O “gaya ng magubat na mga bundok.”

Study Notes

Media