Ayon kay Marcos 9:1-50
Talababa
Study Notes
napakataas na bundok: Posibleng ang Bundok Hermon, na malapit sa Cesarea Filipos. (Mar 8:27; tingnan ang study note sa Mat 16:13.) May taas itong 2,814 m (9,232 ft) mula sa lebel ng dagat. Malamang na nangyari ang pagbabagong-anyo sa isa sa matataas na bahagi ng Bundok Hermon.—Tingnan ang Ap. B10.
nagbago ang kaniyang anyo: Tingnan ang study note sa Mat 17:2.
nagbago ang kaniyang anyo: O “nagbago ang hitsura niya.” Ito rin ang pandiwang Griego (me·ta·mor·phoʹo) na ginamit sa Ro 12:2.
Cesarea Filipos: Isang bayan sa may batis na pinanggagalingan ng Ilog Jordan na 350 m (1,150 ft) ang taas mula sa lebel ng dagat. Ang bayan ay mga 40 km (25 mi) sa hilaga ng Lawa ng Galilea at malapit sa timog-kanlurang paanan ng Bundok Hermon. Tinawag itong Cesarea ng tetrarkang si Felipe, anak ni Herodes na Dakila, bilang parangal sa Romanong emperador. Para hindi ito maipagkamali sa Cesarea na daungang lunsod, tinawag itong Cesarea Filipos, na nangangahulugang “Cesarea ni Felipe.”—Tingnan ang Ap. B10.
Rabbi: Literal na nangangahulugang “aking kadakilaan,” mula sa salitang Hebreo na rav, na ang ibig sabihin ay “dakila.” Ang “Rabbi” ay karaniwang ginagamit bilang katumbas ng “Guro.”—Ju 1:38.
isang tinig ang nanggaling sa langit: Ito ang una sa tatlong pagkakataong iniulat sa mga Ebanghelyo na direktang nakipag-usap si Jehova sa mga tao.—Tingnan ang study note sa Mar 9:7; Ju 12:28.
isang tinig: Ito ang huli sa tatlong pagkakataong iniulat sa mga Ebanghelyo na direktang nakipag-usap si Jehova sa mga tao. Ang unang pagkakataon ay nang bautismuhan si Jesus noong 29 C.E., at mababasa ito sa Mat 3:16, 17; Mar 1:11; at Luc 3:22. Ang ikalawa ay nang magbagong-anyo si Jesus noong 32 C.E., na makikita naman sa Mat 17:5; Mar 9:7; at Luc 9:35. At ang ikatlo, na mababasa lang sa Ebanghelyo ni Juan, ay nangyari noong 33 C.E., nang malapit na ang huling Paskuwa ni Jesus. Sinagot ni Jehova ang hiling ni Jesus na luwalhatiin Niya ang Kaniyang pangalan.
isang tinig: Ito ang ikalawa sa tatlong pagkakataong iniulat sa mga Ebanghelyo na direktang nakipag-usap si Jehova sa mga tao.—Tingnan ang study note sa Mar 1:11; Ju 12:28.
Anak ng tao: Lumilitaw ito nang mga 80 beses sa Ebanghelyo. Ginamit ito ni Jesus para tukuyin ang sarili niya, maliwanag na para idiin na isa talaga siyang tao na ipinanganak ng isang babae, at katumbas siya ni Adan, na may kapangyarihang tubusin ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan. (Ro 5:12, 14, 15) Ginamit din ang ekspresyong ito para tukuyin si Jesus bilang Mesiyas, o Kristo.—Dan 7:13, 14; tingnan sa Glosari.
Anak ng tao: Tingnan ang study note sa Mat 8:20.
sinasaniban siya ng espiritu at hindi siya makapagsalita: Lit., “sinasaniban siya ng espiritung pipi,” na tumutukoy sa masamang espiritu na dahilan kaya hindi nakakapagsalita ang lalaki.
pinangisay: Sa pagkakataong ito, iniugnay ang pagsanib ng demonyo sa sintomas ng epilepsi. Pero hindi naman ipinapahiwatig ng Kasulatan na ang pagsanib ng demonyo ang karaniwang dahilan ng epilepsi, kung paanong hindi rin ito ang karaniwang dahilan ng pagiging bingi o pipi. (Ihambing ang Mar 9:17, 25.) Sa halip, malinaw na ipinapakita sa Mat 4:24 ang pagkakaiba ng mga indibidwal na dinadala kay Jesus dahil binabanggit nito na kasama sa mga maysakit ang “mga sinasapian ng demonyo” at “mga epileptiko.”—Tingnan ang study note sa Mat 4:24.
epileptiko: Ang salitang Griego para dito ay literal na nangangahulugang “maapektuhan ng buwan.” Pero ginamit ni Mateo ang salitang ito sa kontekstong medikal, at hindi niya ito iniuugnay sa pamahiin na ang sakit ay epekto ng pagbabago ng hugis ng buwan. Ang mga sintomas na inilarawan nina Mateo, Marcos, at Lucas ay maliwanag na may kaugnayan sa epilepsi.
Espiritung pipi at bingi: Tumutukoy sa masamang espiritu na dahilan kung bakit hindi nakakapagsalita at nakakarinig ang lalaki.
sa pamamagitan ng panalangin: Idinagdag ng ilang manuskrito ang “at pag-aayuno,” pero wala ito sa pinakaluma at pinakamaaasahang mga manuskrito. Maliwanag na idinagdag ito ng mga tagakopya na nagtataguyod at nagsasagawa ng pag-aayuno. Paulit-ulit nilang idinadagdag ang tungkol sa pag-aayuno kahit wala naman ito sa mas naunang mga kopya.—Tingnan ang study note sa Mat 17:21.
Ganito ang mababasa sa ilang sinaunang manuskrito: “Pero ang ganoong klase ay mapalalabas lang sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.” (Tingnan ang study note sa Mar 9:29.) Pero hindi ito mababasa sa pinakaluma at pinakamaaasahang mga manuskrito kaya lumilitaw na hindi ito bahagi ng Kasulatan.—Tingnan ang Ap. A3.
gilingang-bato na iniikot ng isang asno: O “malaking gilingang-bato.” Lit., “gilingang-bato ng isang asno.” Ang ganitong gilingang-bato, na malamang na may diyametrong 1.2-1.5 m (4-5 ft), ay napakabigat kaya kailangan itong iikot ng isang asno.
tumisod: O “maglagay ng katitisuran.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang Griego na skan·da·liʹzo ay tumutukoy sa makasagisag na pagkatisod. Sa kontekstong ito, puwede itong tumukoy sa pagiging hadlang sa pananampalataya ng isa na susunod sana kay Jesus at maniniwala sa kaniya. Posibleng kasama dito ang pagiging dahilan ng pagkakasala ng isang tao o pagiging bitag sa kaniya. Ang pagkatisod ay puwedeng tumukoy sa paglabag sa kautusan ng Diyos sa moral, sa kawalan ng pananampalataya, o sa pagtanggap sa huwad na mga turo. (Tingnan ang study note sa Mat 18:7.) Ang ekspresyong maliliit na ito ay tumutukoy sa mga alagad ni Jesus na itinuturing ng sanlibutan na walang halaga pero mahalaga sa paningin ng Diyos.
gilingang-bato na iniikot ng isang asno: Tingnan ang study note sa Mat 18:6.
dahilan ng pagkatisod: Ang orihinal na kahulugan ng salitang Griego na skanʹda·lon, na isinaling “dahilan ng pagkatisod,” ay ipinapalagay na tumutukoy sa isang bitag; sinasabi ng ilan na tumutukoy ito sa isang patpat na pinagkakabitan ng isang pain. Nang maglaon, tumutukoy na rin ito sa anumang bagay na puwedeng ikatisod o ikabagsak ng isa. Sa makasagisag na diwa, tumutukoy ito sa isang pagkilos o kalagayan na nagiging dahilan para malihis ng landas ang isang tao o magkasala. Sa Mat 18:8, 9, ang kaugnay na pandiwang skan·da·liʹzo, na isinaling “nagkakasala dahil,” ay puwede ring isalin na “nagiging bitag.”
Gehenna: Mula ito sa mga salitang Hebreo na geh hin·nomʹ, na nangangahulugang “lambak ng Hinom,” na nasa timog at timog-kanluran ng sinaunang Jerusalem. (Tingnan ang Ap. B12, mapa na “Jerusalem at ang Palibot Nito.”) Noong panahon ni Jesus, ang lambak na ito ay naging sunugan ng basura, kaya ang salitang “Gehenna” ay angkop na simbolo para sa lubusang pagkapuksa.—Tingnan sa Glosari.
dahilan ng pagkatisod: Ang orihinal na kahulugan ng salitang Griego na skanʹda·lon, na isinaling “dahilan ng pagkatisod,” ay ipinapalagay na tumutukoy sa isang bitag; sinasabi ng ilan na tumutukoy ito sa isang patpat na pinagkakabitan ng isang pain. Nang maglaon, tumutukoy na rin ito sa anumang bagay na puwedeng ikatisod o ikabagsak ng isa. Sa makasagisag na diwa, tumutukoy ito sa isang pagkilos o kalagayan na nagiging dahilan para malihis ng landas ang isang tao o magkasala. Sa Mat 18:8, 9, ang kaugnay na pandiwang skan·da·liʹzo, na isinaling “nagkakasala dahil,” ay puwede ring isalin na “nagiging bitag.”
nagkakasala ka dahil: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego na skan·da·liʹzo ay puwede ring isalin na “nagiging bitag sa iyo.”—Tingnan ang study note sa Mat 18:7.
putulin mo ito: Gumamit dito si Jesus ng eksaherasyon. Sinasabi niya rito na dapat maging handa ang isang tao na alisin ang anumang bagay na kasinghalaga ng kaniyang kamay, paa, o mata sa halip na hayaan itong maging dahilan para mawala ang katapatan niya. Maliwanag na hindi naman niya sinasabing literal na putulin ng isang tao ang bahagi ng katawan niya, at hindi rin niya sinasabing sunod-sunuran ang isang tao sa gustong gawin ng mga kamay, paa, at mata niya. (Mar 9:45, 47) Ibig lang niyang sabihin, dapat patayin ng isang tao ang bahagi ng katawan niya, o gumawi na parang wala siya nito, sa halip na gamitin ito para magkasala. (Ihambing ang Col 3:5.) Hindi niya dapat hayaan ang anumang bagay na maging hadlang para magtamo siya ng buhay.
Gehenna: Tingnan ang study note sa Mat 5:22 at Glosari.
Sa ilang manuskrito, mababasa rito ang pananalitang “kung saan ang mga uod nila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi nawawala,” pero hindi ito lumitaw sa mahahalagang sinaunang manuskrito. Kahawig ito ng nasa talata 48, kung saan walang pag-aalinlangan na lumitaw ang pananalitang ito. Ipinapakita ng ebidensiya na ang pananalitang nasa talata 44 at 46 ay kinopya lang ng eskriba o mga eskriba mula sa talata 48.—Tingnan ang Ap. A3.
nagkakasala ka dahil: Tingnan ang study note sa Mar 9:43.
Gehenna: Tingnan ang study note sa Mat 5:22 at Glosari.
Gehenna: Mula ito sa mga salitang Hebreo na geh hin·nomʹ, na nangangahulugang “lambak ng Hinom,” na nasa timog at timog-kanluran ng sinaunang Jerusalem. (Tingnan ang Ap. B12, mapa na “Jerusalem at ang Palibot Nito.”) Noong panahon ni Jesus, ang lambak na ito ay naging sunugan ng basura, kaya ang salitang “Gehenna” ay angkop na simbolo para sa lubusang pagkapuksa.—Tingnan sa Glosari.
nagkakasala ka dahil: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego na skan·da·liʹzo ay puwede ring isalin na “nagiging bitag sa iyo.”—Tingnan ang study note sa Mat 18:7.
Tingnan ang study note sa Mar 9:44.
nagkakasala ka dahil: Tingnan ang study note sa Mar 9:43.
Gehenna: Tingnan ang study note sa Mat 5:22 at Glosari.
Gehenna: Mula ito sa mga salitang Hebreo na geh hin·nomʹ, na nangangahulugang “lambak ng Hinom,” na nasa timog at timog-kanluran ng sinaunang Jerusalem. (Tingnan ang Ap. B12, mapa na “Jerusalem at ang Palibot Nito.”) Noong panahon ni Jesus, ang lambak na ito ay naging sunugan ng basura, kaya ang salitang “Gehenna” ay angkop na simbolo para sa lubusang pagkapuksa.—Tingnan sa Glosari.
nagkakasala ka dahil: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego na skan·da·liʹzo ay puwede ring isalin na “nagiging bitag sa iyo.”—Tingnan ang study note sa Mat 18:7.
Gehenna: Mula ito sa mga salitang Hebreo na geh hin·nomʹ, na nangangahulugang “lambak ng Hinom,” na nasa timog at timog-kanluran ng sinaunang Jerusalem. (Tingnan ang Ap. B12, mapa na “Jerusalem at ang Palibot Nito.”) Noong panahon ni Jesus, ang lambak na ito ay naging sunugan ng basura, kaya ang salitang “Gehenna” ay angkop na simbolo para sa lubusang pagkapuksa.—Tingnan sa Glosari.
kung saan: Tumutukoy sa “Gehenna,” na binanggit sa naunang talata. Gaya ng makikita sa study note sa Mat 5:22, noong panahon ni Jesus, ang Lambak ng Hinom (salitang pinagkunan ng terminong “Gehenna”) ay naging sunugan ng basura. Ang sinabi ni Jesus na ang mga uod ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi nawawala ay maliwanag na kinuha niya sa hulang binanggit sa Isa 66:24. Ang hulang iyon ay hindi tungkol sa pagpapahirap sa buháy na mga tao; sa halip, binabanggit nito ang mangyayari sa “mga bangkay” ng nagrebelde kay Jehova. Anumang hindi matupok ng apoy ay kakainin ng mga uod. Batay rito, ito ang ibig sabihin ni Jesus: Ang hatol ng Diyos sa masasama ay hindi tumutukoy sa pagpapahirap, kundi sa lubusang pagkapuksa.
pauulanan ng apoy, gaya ng pagbubudbod ng asin: Puwedeng unawain ang tayutay na ito sa dalawang paraan. (1) Kung ang ekspresyong ito ay kaugnay ng mga kasasabi lang ni Jesus sa Mar 9:43-48, tumutukoy ito sa pagkapuksa sa apoy ng Gehenna. Posibleng nasa isip ni Jesus ang nangyari sa Sodoma at Gomorra, na malapit lang sa Dagat na Patay (Dagat Asin), nang magpaulan ang Diyos ng “asupre at apoy” sa mga lunsod na ito. (Gen 19:24) Kaya ang sinabi ni Jesus na “ang bawat isa ay pauulanan ng apoy, gaya ng pagbubudbod ng asin” ay puwedeng mangahulugan na ang lahat ng hindi nanatiling tapat o nakatisod sa iba dahil sa kamay, paa, o mata nila ay tutupukin sa apoy ng Gehenna, na tumutukoy sa walang-hanggang pagkapuksa. (2) Kung ang ekspresyong ito naman ay kaugnay ng sumunod na sinabi ni Jesus, na nakaulat sa Mar 9:50, posibleng ang tinutukoy ni Jesus ay ang apoy na darating sa mga tagasunod niya para sa kapakinabangan nila, na tutulong sa kanila na mapanatili ang kapayapaan sa gitna nila. Kaya puwede rin itong mangahulugan na ang bawat isa—ibig sabihin, ang lahat ng alagad niya—ay dadalisayin at lilinisin sa pamamagitan ng Salita ni Jehova, na tutupok sa lahat ng kasinungalingan at pagkakamali, at sa pamamagitan ng apoy ng pag-uusig o pagsubok, na susubok at dadalisay sa katapatan at debosyon ng isa kay Jehova. (Jer 20:8, 9; 23:29; 1Pe 1:6, 7; 4:12, 13) Posibleng parehong nasa isip ni Jesus ang mga ideyang ito.
asin: Isang mineral na ginagamit na preserbatibo at pampalasa ng pagkain.—Tingnan ang study note sa Mat 5:13.
mawawalan ito ng alat: O “mawawalan ito ng lasa.” Noong panahon ni Jesus, karaniwan nang nakukuha ang asin sa may Dagat na Patay at nahahaluan ito ng ibang mineral. Kapag nakuha na ang maalat na parte sa magkakahalong mineral na ito, ang maiiwan ay wala nang lasa at silbi.
Maging gaya kayo ng asin: Maliwanag na ginamit dito ni Jesus ang “asin” para tukuyin ang katangiang kailangan ng mga Kristiyano para maging mabait, makonsiderasyon, at nakakapagpatibay sila sa paggawi at pagsasalita, at para makatulong sila sa pagpepreserba, o pagliligtas, sa buhay ng iba. Ganiyan din ang pagkakagamit ni apostol Pablo sa “asin” sa Col 4:6. Posibleng iniisip ni Jesus ang pagtatalo ng mga apostol niya tungkol sa kung sino ang pinakadakila. Ang makasagisag na asin ay makakatulong sa isang tao na magsalita sa mabait na paraan para madaling matanggap ng iba ang sinasabi niya at mapanatili ang kapayapaan.
asin: Isang mineral na ginagamit na preserbatibo at pampalasa ng pagkain. Sa kontekstong ito, malamang na idiniriin ni Jesus ang pagiging preserbatibo ng asin; ang mga alagad niya ay makakatulong sa iba na maiwasan ang pagkabulok sa espirituwal at moral.
Media

Ang Bundok Hermon ay may taas na 2,814 m (9,232 ft) at malapit sa Cesarea Filipos. Ito ang pinakamataas na bundok sa Israel. Ang water vapor ay nagiging hamog dahil sa niyebe sa tuktok ng bundok, at ito ang dumidilig sa mga pananim sa panahon ng mahabang tagtuyot. (Aw 133:3) Ang natutunaw na niyebe mula rito ang pangunahing pinanggagalingan ng tubig sa Ilog Jordan. Ang Bundok Hermon ay isa sa posibleng lugar kung saan nagbagong-anyo si Jesus.—Mat 17:2.

Ang Bundok Hermon ay nasa hilagang hangganan ng Lupang Pangako. Marami itong kapansin-pansing taluktok, at ang pinakamataas ay 2,814 m (9,232 ft) mula sa lebel ng dagat. Ang mga taluktok na ito ay nasa timugang bahagi ng bulubundukin ng Anti-Lebanon. Posibleng sa Bundok Hermon nagbagong-anyo si Jesus.

Ang isang malaking gilingang-bato gaya ng nasa larawan ay kailangang ikutin ng isang hayop na pantrabaho, gaya ng asno. Ginagamit ito sa pagdurog ng mga butil at pagpisa ng mga olibo. Ang pang-ibabaw na bato ay malamang na umaabot nang 1.5 m (5 ft) ang diyametro, at iniikot ito sa ibabaw ng pang-ilalim na bato, na mas malaki.

Ang Lambak ng Hinom (1), na tinatawag na Gehenna sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ang Bundok ng Templo (2). Ito ang lokasyon ng templo ng mga Judio noong unang siglo. Ang pinakaprominenteng istraktura sa ngayon sa bundok ng templo ay ang dambana ng mga Muslim na tinatawag na Dome of the Rock.—Tingnan ang mapa sa Apendise B12.

Sa ngayon, mga siyam na beses na mas maalat ang tubig sa Dagat na Patay (Dagat Asin) kaysa sa iba pang dagat sa mundo. (Gen 14:3) Dahil sa ebaporasyon ng tubig sa Dagat na Patay, maraming nakukuhang asin ang mga Israelita rito. Pero mababa ang kalidad ng asing ito dahil nahaluan ito ng iba pang mineral. Malamang na nanggagaling din ang asin ng mga Israelita sa mga taga-Fenicia, na sinasabing nakakakuha ng asin sa Mediteraneo dahil sa ebaporasyon. Binanggit din ng Bibliya ang asin bilang pampalasa sa pagkain. (Job 6:6) Mahusay gumamit ng ilustrasyon si Jesus batay sa mga bagay na ginagamit sa pang-araw-araw na buhay, kaya ginamit niya ang asin para magturo ng mahahalagang aral. Halimbawa, sa Sermon sa Bundok, sinabi niya sa mga alagad: “Kayo ang asin ng mundo.” Ibig sabihin, gaya ng asin na nagsisilbing preserbatibo, makakatulong sa iba ang mga alagad para maiwasan ang pagkabulok sa espirituwal at moral.