Mga Kawikaan 28:1-28
28 Ang masasama ay tumatakas kahit walang humahabol sa kanila,Pero ang mga matuwid ay di-natitinag gaya ng leon.*+
2 Kapag may paghihimagsik* sa lupain, papalit-palit ang pinuno,*+Pero sa tulong ng taong may kaunawaan at kaalaman, magtatagal ang namamahala.*+
3 Ang dukhang nandaraya sa mahihirap+Ay gaya ng ulan na tumatangay sa lahat ng pagkain.
4 Ang mga bumabale-wala sa kautusan ay pumupuri sa masama,Pero ang mga sumusunod sa kautusan ay galit sa kanila.+
5 Hindi naiintindihan ng masasama kung ano ang katarungan,Pero nauunawaan ng mga humahanap kay Jehova ang lahat ng bagay.+
6 Mas mabuti ang mahirap na lumalakad nang tapatKaysa sa mayaman na liko ang landasin.+
7 Ang anak na may unawa ay sumusunod sa kautusan,Pero ang nakikisama sa matatakaw ay humihiya sa kaniyang ama.+
8 Ang nagpapayaman sa pamamagitan ng interes at labis na patubo+Ay nag-iipon ng yaman para sa taong tumutulong sa mahihirap.+
9 Ang tumatangging makinig sa kautusan—Maging ang panalangin niya ay kasuklam-suklam.+
10 Ang nagliligaw sa mga matuwid patungo sa masamang daan ay mahuhulog sa sarili niyang hukay,+Pero ang mga walang kapintasan ay aani ng mabuti.+
11 Matalino ang tingin ng mayaman sa sarili niya,+Pero nakikita ng dukhang may kaunawaan kung sino talaga siya.*+
12 Napakaganda nga kapag nagtatagumpay ang mga matuwid,Pero kapag masasama ang namahala, nagtatago ang mga tao.+
13 Ang nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi magtatagumpay,+Pero ang nagtatapat at tumatalikod sa mga iyon ay kaaawaan.+
14 Maligaya ang taong laging nagbabantay,*Pero ang taong nagpapatigas ng kaniyang puso ay mapapahamak.+
15 Gaya ng umuungal na leon at umaatakeng osoAng masamang taong namamahala sa isang bayang walang kalaban-laban.+
16 Ang lider na walang kaunawaan ay umaabuso sa kapangyarihan,+Pero ang napopoot sa bagay na nakuha sa pandaraya ay magpapahaba ng buhay niya.+
17 Ang taong nababagabag dahil nagkasala siya ng pagpatay ay tatakas hanggang sa kamatayan niya.*+
Huwag siyang tulungan ng sinuman.
18 Ang lumalakad nang may katapatan ay maliligtas,+Pero ang taong liko ang landasin ay biglang babagsak.+
19 Ang nagsasaka ng lupa niya ay magkakaroon ng saganang pagkain,Pero ang nagpapakaabala sa walang-kabuluhang mga bagay ay maghihirap.+
20 Ang taong tapat ay tatanggap ng maraming pagpapala,+Pero ang nagmamadaling yumaman ay hindi mananatiling walang-sala.+
21 Mahalagang maging patas;+Pero posibleng makagawa ng masama ang isang tao para sa isang piraso ng tinapay.
22 Gustong-gustong yumaman ng taong mainggitin,*Pero hindi niya alam na maghihirap siya.
23 Ang sumasaway sa kapuwa niya+ ay magiging mas kalugod-lugod sa bandang huli+Kaysa sa taong nambobola.*
24 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama at ina at nagsasabi, “Walang masama rito,”+
Ay kasamahan ng taong nagdudulot ng pinsala.+
25 Ang taong sakim* ay nagpapasimula* ng pagtatalo,Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay sasagana.*+
26 Ang nagtitiwala sa sarili niyang puso ay mangmang,+Pero ang lumalakad nang may karunungan ay makatatakas.+
27 Ang nagbibigay sa dukha ay hindi kakapusin,+Pero ang nagbubulag-bulagan sa pangangailangan nila ay tatanggap ng maraming sumpa.
28 Kapag namahala ang masasama, nagtatago ang mga tao,Pero kapag nawala na sila, dumarami ang matuwid.+
Talababa
^ O “batang leon.”
^ O “pagsuway.”
^ O “prinsipe.”
^ Lit., “magtatagal siya.”
^ Ang mayaman.
^ O “laging may takot.”
^ O “hanggang sa hukay.”
^ O “sakim.”
^ O “nambobola gamit ang dila niya.”
^ O posibleng “mayabang.”
^ O “nagpapalala.”
^ Lit., “patatabain.”