Mga Kawikaan 19:1-29

19  Mas mabuti pang maging mahirap pero tapat+Kaysa maging mangmang at sinungaling.+   Hindi mabuti para sa isang tao na wala siyang alam,+At ang kumikilos nang padalos-dalos* ay nagkakasala.   Ang sariling kamangmangan ng tao ang nagliligaw sa kaniya,At ang puso niya ay nagagalit kay Jehova.   Ang kayamanan ay umaakit ng maraming kaibigan,Pero ang mahirap ay iniiwan kahit ng kaibigan niya.+   Tiyak na mapaparusahan ang sinungaling na testigo,+At hindi makatatakas ang laging nagsisinungaling.+   Marami ang naghahangad ng pabor ng prominenteng tao,*At ang lahat ay kaibigan ng taong nagreregalo.   Ang dukha ay kinapopootan ng lahat ng kapatid niya;+Lalo nang kaya siyang itakwil ng mga kaibigan niya!+ Lumalapit siya sa kanila at nakikiusap, pero walang sumasagot.   Ang nagsisikap magkaroon ng unawa* ay nagmamahal sa sarili niya.+ Ang nagpapahalaga sa kaunawaan ay magtatagumpay.*+   Tiyak na mapaparusahan ang sinungaling na testigo,At mamamatay ang laging nagsisinungaling.+ 10  Hindi bagay sa isang mangmang na mamuhay nang marangya,At lalong hindi bagay sa isang lingkod na mamahala sa mga prinsipe!+ 11  Ang kaunawaan ng tao ang pumipigil sa kaniya na magalit agad,+At nagiging kapuri-puri siya kapag pinalalampas niya ang pagkakamali.*+ 12  Ang galit ng hari ay gaya ng pag-ungal ng leon,+Pero ang pagsang-ayon niya ay gaya ng hamog sa pananim. 13  Ang mangmang na anak ay nagbibigay ng problema sa kaniyang ama,+At ang asawang babae na mahilig makipagtalo* ay gaya ng bubong na laging tumutulo.+ 14  Ang bahay at yaman ay mana mula sa mga ama,Pero ang marunong na asawang babae ay mula kay Jehova.+ 15  Ang katamaran ay nauuwi sa malalim na tulog,At ang makupad ay magugutom.+ 16  Ang sumusunod sa utos ay nag-iingat ng buhay niya;+Ang nagwawalang-bahala sa paraan ng pamumuhay niya ay mamamatay.+ 17  Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova,+At babayaran* Niya siya dahil sa ginawa niya.+ 18  Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa+Para hindi ka maging responsable sa* kamatayan niya.+ 19  Ang mainitin ang ulo ay mananagot;Kung palulusutin mo siya, gagawin mo na ito nang paulit-ulit.+ 20  Makinig ka sa payo at tumanggap ng disiplina+Para maging marunong ka pagdating ng araw.+ 21  Maraming plano sa puso ng tao,Pero ang kalooban* ni Jehova ang mananaig.+ 22  Nagiging kaakit-akit ang isang tao dahil sa tapat na pag-ibig niya;+At mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling. 23  Ang pagkatakot kay Jehova ay umaakay sa buhay;+Ang mayroon nito ay makapagpapahinga nang panatag at ligtas.+ 24  Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,Pero hindi man lang niya ito maisubo sa bibig niya.+ 25  Saktan mo ang manunuya+ para maging marunong ang walang karanasan,+At sawayin mo ang may unawa para madagdagan ang kaalaman niya.+ 26  Ang anak na malupit sa kaniyang ama at nagtataboy sa kaniyang inaAy kahiya-hiya at kadusta-dusta.+ 27  Anak ko, kung titigil ka sa pakikinig sa disiplina,Malilihis ka mula sa daan* ng kaalaman. 28  Ang walang-kuwentang testigo ay humahamak sa katarungan,+At ang bibig ng masasama ay lumalamon ng kasamaan.+ 29  May naghihintay na hatol para sa mga manunuya+At mga hampas para sa likod ng mga mangmang.+

Talababa

Lit., “ang nagmamadali ang paa.”
O “ng bukas-palad.”
Lit., “ay makakakita ng mabuti.”
Lit., “Ang nagtatamo ng puso.”
O “pagsalansang; malaking kasalanan.”
O “asawang bungangera.”
O “gagantimpalaan.”
O “At huwag mong hangarin ang.”
O “layunin.”
Lit., “sa mga pananalita.”

Study Notes

Media