Ayon kay Juan 20:1-31

20  Noong unang araw ng linggo, habang madilim pa, maagang pumunta si Maria Magdalena sa libingan,+ at nakita niyang wala nang nakatakip na bato sa libingan.+  Kaya tumakbo siya papunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad, na minamahal ni Jesus,+ at sinabi niya: “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan,+ at hindi namin alam kung saan nila siya dinala.”  Kaya pumunta si Pedro at ang isa pang alagad sa libingan.  Sabay na tumakbo ang dalawa, pero unang nakarating sa libingan ang isang alagad dahil mas mabilis siyang tumakbo kaysa kay Pedro.  Yumuko siya para sumilip at nakita niyang nakalapag ang mga telang lino.+ Pero hindi siya pumasok.  Kasunod na dumating si Simon Pedro, at pumasok siya sa libingan. Nakita niyang nakalapag doon ang mga telang lino.  Ang telang ginamit sa ulo niya ay hindi nakalapag kasama ng iba pang tela, kundi hiwalay na nakarolyo sa isang lugar.  Pumasok din sa libingan ang alagad na unang nakarating, at dahil nakita niya, naniwala siya.  Hindi pa nila naiintindihan ang kasulatan na kailangan siyang bumangon mula sa mga patay.+ 10  At umuwi sa kani-kanilang bahay ang mga alagad. 11  Pero nakatayo pa rin si Maria malapit sa libingan, at umiiyak siya. Habang umiiyak, yumuko siya para sumilip sa loob ng libingan, 12  at dalawang anghel na nakaputi ang nakita niyang+ nakaupo kung saan inilagay ang katawan ni Jesus, ang isa ay sa ulunan at ang isa ay sa paanan. 13  Sinabi nila: “Babae, bakit ka umiiyak?” Sumagot siya: “Kinuha nila ang Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan nila siya dinala.” 14  Pagkasabi nito, tumalikod siya at may nakita siyang lalaking nakatayo. Si Jesus iyon, pero hindi siya nakilala ni Maria.+ 15  Sinabi ni Jesus: “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Sa pag-aakalang hardinero ang kumausap sa kaniya, sinabi ni Maria: “Ginoo, kung kinuha mo siya, sabihin mo sa akin kung saan mo siya dinala, at kukunin ko siya.” 16  Sinabi ni Jesus: “Maria!” Nang lumingon siya, sinabi niya sa Hebreo: “Rabboni!” (na ang ibig sabihin ay “Guro!”) 17  Sinabi ni Jesus: “Huwag kang kumapit sa akin dahil hindi pa ako nakaaakyat sa Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko+ at sabihin mo sa kanila, ‘Aakyat ako sa aking Ama+ at inyong Ama at sa aking Diyos+ at inyong Diyos.’” 18  Pinuntahan ni Maria Magdalena ang mga alagad at sinabi ang balita: “Nakita ko ang Panginoon!” At sinabi niya sa kanila ang mga sinabi ni Jesus.+ 19  Kinagabihan nang araw na iyon, ang unang araw ng linggo, nagtipon sa isang lugar ang mga alagad. Nakatrangka ang mga pinto dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi niya: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.”+ 20  Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at tagiliran.+ Nagsaya ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.+ 21  Sinabi ulit ni Jesus: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.+ Kung paanong isinugo ako ng Ama,+ isinusugo ko rin kayo.”+ 22  Pagkasabi nito, humihip siya sa kanila at sinabi niya: “Tanggapin ninyo ang banal na espiritu.+ 23  Kung patatawarin ninyo ang kasalanan ng sinuman, pinatawad na siya ng Diyos. Pero kung hindi ninyo patatawarin ang kasalanan ng sinuman, hindi siya pinatawad ng Diyos.” 24  Pero si Tomas,+ isa sa 12 apostol+ at tinatawag na Kambal, ay hindi nila kasama nang dumating si Jesus. 25  Kaya sinasabi sa kaniya ng ibang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” Pero sinabi niya: “Maniniwala lang ako kung makikita ko ang butas* ng pako sa mga kamay niya at maipapasok ko ang daliri ko sa mga butas na iyon at ang kamay ko sa tagiliran niya.”+ 26  Pagkaraan ng walong araw, muling nagtipon ang mga alagad niya sa isang bahay, at kasama nila si Tomas. Nakatrangka ang mga pinto pero nakapasok si Jesus. Tumayo siya sa gitna nila, at sinabi niya: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.”+ 27  Pagkatapos, sinabi niya kay Tomas: “Ilagay mo rito ang daliri mo, at tingnan mo ang mga kamay ko, at ipasok mo ang iyong kamay sa tagiliran ko, at huwag ka nang magduda* kundi manampalataya ka.” 28  Sumagot si Tomas: “Panginoon ko at Diyos ko!”+ 29  Sinabi ni Jesus: “Naniwala ka ba dahil nakita mo ako? Maligaya ang mga naniniwala kahit hindi nakakita.”+ 30  Ang totoo, gumawa rin si Jesus ng marami pang tanda sa harap ng mga alagad niya na hindi nakasulat sa balumbong ito.+ 31  Pero isinulat ang mga ito para manampalataya kayo na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos, at dahil sa pananampalatayang iyon, maaari kayong magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng pangalan niya.+

Talababa

O “marka.”
Lit., “at tumigil ka na sa hindi pagsampalataya.”

Study Notes

unang araw ng linggo: Tumutukoy sa Nisan 16. Para sa mga Judio, ang araw pagkatapos ng Sabbath ay ang unang araw ng linggo.

unang araw ng linggo: Tingnan ang study note sa Mat 28:1.

libingan: O “alaalang libingan.”—Tingnan sa Glosari, “Alaalang libingan.”

ang minamahal ni Jesus: Ang isa na mahal na mahal ni Jesus. Ito ang una sa limang pagbanggit sa alagad na “minamahal ni Jesus.” (Ju 19:26; 20:2; 21:7, 20) Naniniwala ang marami na ang alagad na ito ay si apostol Juan, ang anak ni Zebedeo at kapatid ni Santiago. (Mat 4:21; Mar 1:19; Luc 5:10) Ito ang ilang dahilan. Una, hindi nabanggit ang pangalan ni apostol Juan sa Ebanghelyong ito; tinukoy lang siya bilang “anak ni Zebedeo” sa Ju 21:2. Isa pa, sa Ju 21:20-24, ginamit ang ekspresyong “alagad na minamahal ni Jesus” para tumukoy sa manunulat ng Ebanghelyong ito. Sinabi rin ni Jesus tungkol sa apostol na iyon: “Kung kalooban kong manatili siya hanggang sa dumating ako, ano ang ikinababahala mo?” Ipinapahiwatig nito na mas matagal mabubuhay ang alagad na ito kaysa kay Pedro at sa iba pang apostol, at ganiyan nga si apostol Juan.—Tingnan ang study note sa Ju Pamagat at Ju 1:6; 21:20.

isa pang alagad: Lumilitaw na tumutukoy kay apostol Juan. Kaayon ito ng istilo ng pagsulat ni Juan sa Ebanghelyo niya; hindi niya talaga pinapangalanan ang sarili niya. (Tingnan ang study note sa Ju 13:23; 19:26; 20:2; 21:7; 21:20.) Isa pa, makikita sa ulat ng Ju 20:2-8 na si Juan ang kasama ni Pedro matapos buhaying muli si Jesus. Hindi ipinapaliwanag ng Bibliya kung bakit kilala ng mataas na saserdote ang alagad na si Juan, na mula sa Galilea, pero dahil kilala ni Juan ang sambahayan ng mataas na saserdote, pinapasok siya ng bantay sa pinto at naipasok din niya sa looban si Pedro.—Ju 18:16.

Mahal ng Ama ang Anak: Inilalarawan dito ni Jesus ang matibay na buklod at matalik na pagkakaibigan nila ng kaniyang Ama mula pa sa pasimula ng paglalang. (Kaw 8:30) Nang iulat ito ni Juan, ginamit niya ang isang anyo ng pandiwang Griego na phi·leʹo, ang pag-ibig na may paggiliw. Ang pandiwang ito ay kadalasan nang lumalarawan sa isang napakalapít na ugnayan, katulad ng sa tunay na magkakaibigan. Halimbawa, ginamit ang pandiwang ito sa pagkakaibigan nina Jesus at Lazaro. (Ju 11:3, 36) Ginagamit din ito para sa ugnayan ng magulang at anak. (Mat 10:37) At ginagamit din ang phi·leʹo para ilarawan ang malapít na kaugnayan at pagkagiliw ni Jehova sa mga tagasunod ng kaniyang Anak at ang pagmamahal ng mga alagad sa Anak ng Diyos.—Ju 16:27.

Mahal kayo: Ang pandiwang Griego na phi·leʹo ay isinasaling “mahal,” “gusto,” “nagmamahal,” at “hahalikan.” (Mat 23:6; Ju 12:25; Mar 14:44) Ang terminong Griego ay puwedeng lumarawan sa isang napakalapít na ugnayan, katulad ng sa tunay na magkakaibigan. Nang “lumuha si Jesus” habang papalapit siya sa libingan ni Lazaro, sinabi ng mga tao: “Tingnan ninyo kung gaano niya siya kamahal [isang anyo ng pandiwang Griego na phi·leʹo]!” (Ju 11:35, 36) Ginagamit din ang terminong Griego na ito para ilarawan ang malapít na ugnayan ng magulang at anak. (Mat 10:37) Gaya ng mababasa sa Ju 16:27, ipinapakita ng terminong ito ang malapít na kaugnayan at pagkagiliw ni Jehova sa mga tagasunod ng kaniyang Anak at ang pagmamahal ng mga alagad sa Anak ng Diyos. Sa Ju 5:20, ginamit din ang salitang Griego na ito para ilarawan ang pagkagiliw ng Ama sa Anak.

sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Nangyari ito hindi pa natatagalan matapos ikaila ni Pedro si Jesus nang tatlong beses. Tatlong beses na tinanong ni Jesus si Pedro tungkol sa nadarama nito hanggang sa puntong “lungkot na lungkot [na] si Pedro.” (Ju 21:17) Sa ulat ni Juan sa Ju 21:15-17, dalawang pandiwang Griego ang ginamit: a·ga·paʹo at phi·leʹo, na parehong isinaling mahal. Tatlong beses na tinanong ni Jesus si Pedro: “Mahal mo ba ako?” Tatlong beses ding tiniyak ni Pedro na mahal niya si Jesus. Sa bawat sagot ni Pedro, idiniin ni Jesus na dapat mapakilos si Pedro ng pagmamahal na iyon na pakainin at “pastulan” sa espirituwal na paraan ang mga alagad ni Jesus, na tinukoy rito bilang kaniyang mga kordero, o “maliliit na tupa.” (Ju 21:16, 17; 1Pe 5:1-3) Pagkatapos bigyan ni Jesus ng pagkakataon si Pedro na tiyakin ang pagmamahal nito nang tatlong beses, pinagkatiwalaan niya ito ng pananagutang alagaan ang mga tupa. Sa ganitong paraan, binura ni Jesus ang anumang pag-aalinlangan ni Pedro kung napatawad na siya ni Jesus dahil sa pagkakaila niya rito nang tatlong beses.

isa pang alagad, na minamahal ni Jesus: Ang isa na mahal na mahal ni Jesus. Ito ang ikatlo sa limang pagbanggit sa alagad na “minamahal ni Jesus.” (Ju 13:23; 19:26; 20:2; 21:7, 20) Naniniwala ang marami na ang alagad na ito ay si apostol Juan. (Tingnan ang study note sa Ju 13:23; 18:15.) Sa apat na iba pang paglitaw, ginamit ang salitang Griego na a·ga·paʹo. Ginamit naman sa talatang ito ang salitang Griego na kasingkahulugan nito, phi·leʹo, na isinasalin ding “mahal” sa saling ito.—Mat 10:37; Ju 11:3, 36; 16:27; 21:15-17; 1Co 16:22; Tit 3:15; Apo 3:19; tingnan ang study note sa Ju 5:20; 16:27; 21:15.

ang kasulatan: Posibleng tumutukoy sa Aw 16:10 o Isa 53:10. Hindi pa naiintindihan noon, kahit ng mga alagad ni Jesus, ang ilang hula tungkol sa Mesiyas. Kasama diyan ang mga hula tungkol sa pagtatakwil sa Mesiyas at sa pagdurusa, kamatayan, at pagkabuhay niyang muli.—Isa 53:3, 5, 12; Mat 16:21-23; 17:22, 23; Luc 24:21; Ju 12:34.

Hebreo: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ginamit ng mga manunulat ang terminong “Hebreo” para tumukoy sa wikang sinasalita ng mga Judio (Ju 19:13, 17, 20; Gaw 21:40; 22:2; Apo 9:11; 16:16) at sa wikang ginamit ng binuhay-muli at niluwalhating si Jesus sa pakikipag-usap kay Saul ng Tarso (Gaw 26:14, 15). Sa Gaw 6:1, may binanggit na “mga Judiong nagsasalita ng Hebreo” at “mga Judiong nagsasalita ng Griego.” Naniniwala ang ilang iskolar na ang terminong “Hebreo” sa mga ulat na ito ay dapat na isinaling “Aramaiko,” pero may makatuwirang dahilan para isiping ang terminong ito ay talagang tumutukoy sa wikang Hebreo. Halimbawa, nang sabihin ng doktor na si Lucas na kinausap ni Pablo ang mga taga-Jerusalem “sa wikang Hebreo,” ang mga kausap noon ni Pablo ay ang mga nagpapakadalubhasa sa Kautusan ni Moises sa wikang Hebreo. Isa pa, ang kalakhang bahagi ng napakaraming natagpuang piraso at manuskrito ng Dead Sea Scroll ay mababasa sa wikang Hebreo, bahagi man ito ng Kasulatan o ibang dokumento. Nagpapatunay ito na karaniwang wika noon ang Hebreo. May natagpuan ding mga piraso ng Dead Sea Scroll sa wikang Aramaiko, na nagpapakitang parehong ginagamit ang dalawang wikang ito. Kaya kapag ginagamit ng mga manunulat ng Bibliya ang terminong “Hebreo,” imposibleng ang tinutukoy nila ay wikang Aramaiko o Siryano. (Gaw 21:40; 22:2; ihambing ang Gaw 26:14.) Makikita sa Hebreong Kasulatan na magkaiba ang “Aramaiko” at ang “wika ng mga Judio” (2Ha 18:26), at may kinalaman sa partikular na ulat na ito, makikita sa sinabi ng Judiong istoryador noong unang siglo na si Josephus na magkaiba ang “Aramaiko” at “Hebreo.” (Jewish Antiquities, X, 8 [i, 2]) Totoo na may mga termino sa Aramaiko at Hebreo na magkahawig, at posibleng may mga termino sa Hebreo na galing sa Aramaiko. Pero hindi pa rin makatuwirang isipin na kapag Hebreo ang sinabi ng mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang tinutukoy talaga nila ay Aramaiko.

Hebreo: Tingnan ang study note sa Ju 5:2.

Rabboni!: Salitang Semitiko na nangangahulugang “Aking Guro.” Iniisip ng ilan na noong una, ang “Rabboni” ay mas magalang o mas magiliw na titulo kaysa sa “Rabbi.” Pero dito at sa Ju 1:38, parehong isinalin ni Juan ang mga titulong ito bilang Guro. Noong isulat ni Juan ang Ebanghelyo niya, posibleng nawala na ang espesyal na kahulugan ng hulapi (“-i” na nangangahulugang “aking”) na idinadagdag sa titulong “Rabboni.”

Huwag kang kumapit sa akin: Ang pandiwang Griego na haʹpto·mai ay puwedeng mangahulugang “humawak” o “kumapit.” Sa ilang salin, ang mababasa ay “Huwag mo akong hawakan.” Hindi naman sa ayaw ni Jesus na hawakan siya ni Maria Magdalena, dahil noong buhayin siyang muli, hindi niya rin pinagbawalan ang mga babaeng nakakita sa kaniya na ‘hawakan ang mga paa niya.’ (Mat 28:9) Lumilitaw na iniisip ni Maria Magdalena na aakyat na si Jesus sa langit. At dahil gustong-gusto niyang makasama ang Panginoon niya, kumapit siya nang mahigpit kay Jesus. Para tiyakin kay Maria na hindi pa siya aalis, inutusan niya si Maria na huwag nang kumapit sa kaniya, kundi ibalita sa mga alagad na binuhay na siyang muli.

aking Diyos at inyong Diyos: Ipinapakita ng pag-uusap na ito ni Jesus at ni Maria Magdalena noong Nisan 16, 33 C.E., na Diyos ng binuhay-muling si Jesus ang Ama, kung paanong Diyos din ni Maria ang Ama. Dalawang araw bago nito, nang nasa pahirapang tulos si Jesus, sumigaw siya: “Diyos ko, Diyos ko,” bilang katuparan ng hula sa Aw 22:1. Ipinapakita rin nito na kinikilala niya ang kaniyang Ama bilang kaniyang Diyos. (Mat 27:46; Mar 15:34; Luc 23:46) Sa Apocalipsis, tinawag din ni Jesus ang kaniyang Ama na “aking Diyos.” (Apo 3:2, 12) Pinapatunayan ng mga tekstong ito na sinasamba ng binuhay-muli at niluwalhating si Jesu-Kristo ang kaniyang Ama sa langit bilang kaniyang Diyos, gaya rin ng ginagawa ng mga alagad niya.

mga Judio: Gaya ng pagkakagamit ng terminong ito sa Ebanghelyo ni Juan, iba-iba ang ibig sabihin nito depende sa konteksto. Puwede itong tumukoy sa mga Judio o taga-Judea sa pangkalahatan o sa mga nakatira sa Jerusalem o malapit dito. Puwede rin itong tumukoy sa mga panatikong Judio na nanghahawakan sa tradisyon ng tao, na may kaugnayan sa Kautusang Mosaiko pero kadalasan nang salungat sa diwa ng Kautusan. (Mat 15:3-6) Ang mga ‘Judiong’ ito ay pinapangunahan ng mga Judiong lider ng relihiyon na galít kay Jesus. Sa tekstong ito at sa iba pang paglitaw ng terminong ito sa Juan kabanata 7, makikita sa konteksto na tumutukoy ito sa mga Judiong lider ng relihiyon.—Ju 7:13, 15, 35a.—Tingnan sa Glosari, “Judio.”

mga Judio: Lumilitaw na tumutukoy sa mga Judiong lider ng relihiyon.—Tingnan ang study note sa Ju 7:1.

Tomas: Ang pangalang Griego na ito ay mula sa salitang Aramaiko na nangangahulugang “Kambal.” Ang apostol na si Tomas ay kilalá rin sa pangalang Griego na Diʹdy·mos (isinasaling “Didymus” sa ilang Bibliyang Ingles), na nangangahulugan ding Kambal.

Kambal: Tingnan ang study note sa Ju 11:16.

aking Diyos at inyong Diyos: Ipinapakita ng pag-uusap na ito ni Jesus at ni Maria Magdalena noong Nisan 16, 33 C.E., na Diyos ng binuhay-muling si Jesus ang Ama, kung paanong Diyos din ni Maria ang Ama. Dalawang araw bago nito, nang nasa pahirapang tulos si Jesus, sumigaw siya: “Diyos ko, Diyos ko,” bilang katuparan ng hula sa Aw 22:1. Ipinapakita rin nito na kinikilala niya ang kaniyang Ama bilang kaniyang Diyos. (Mat 27:46; Mar 15:34; Luc 23:46) Sa Apocalipsis, tinawag din ni Jesus ang kaniyang Ama na “aking Diyos.” (Apo 3:2, 12) Pinapatunayan ng mga tekstong ito na sinasamba ng binuhay-muli at niluwalhating si Jesu-Kristo ang kaniyang Ama sa langit bilang kaniyang Diyos, gaya rin ng ginagawa ng mga alagad niya.

ang Salita ay isang diyos: O “ang Salita ay maladiyos [o, “tulad-diyos”].” Inilalarawan dito ni Juan ang isang katangian ni Jesu-Kristo, ang “Salita” (sa Griego, ho loʹgos; tingnan ang study note sa ang Salita sa talatang ito). Dahil sa mataas na posisyon ng Salita bilang panganay na Anak ng Diyos na ginamit ng Diyos sa paglalang ng lahat ng iba pang bagay, angkop lang na ilarawan siya bilang “diyos; maladiyos; tulad-diyos.” Isinalin ito ng maraming tagapagsalin na “ang Salita ay Diyos,” na para bang siya rin ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Pero may makatuwirang mga dahilan para isiping hindi sinasabi ni Juan na “ang Salita” at ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat ay iisa. Una, malinaw na sinasabi sa nauna at kasunod na sugnay na “ang Salita” ay “kasama ng Diyos.” Isa pa, ang salitang Griego na the·osʹ ay lumitaw nang tatlong beses sa talata 1 at 2. Sa una at ikatlong paglitaw, ang the·osʹ ay may kasamang tiyak na Griegong pantukoy; pero walang pantukoy sa ikalawang paglitaw nito. Naniniwala ang maraming iskolar na mahalagang pag-isipan ang kawalan ng tiyak na pantukoy bago ang ikalawang paglitaw ng the·osʹ. Sa kontekstong ito, kapag may pantukoy, ang the·osʹ ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Kapag wala namang pantukoy, batay sa gramatika, ang the·osʹ ay tumutukoy sa katangian ng “Salita.” Kaya gaya sa Bagong Sanlibutang Salin, makikita sa maraming salin ng Bibliya sa English, French, at German na ang “Salita” ay “isang diyos; maladiyos; tulad-diyos.” Gayundin, sa mga sinaunang salin ng Ebanghelyo ni Juan sa diyalektong Sahidic at Bohairic ng wikang Coptic, na posibleng ginawa noong ikatlo at ikaapat na siglo C.E., magkaiba ang pagkakasalin sa una at ikalawang paglitaw ng the·osʹ sa Ju 1:1. Sa mga saling ito, itinatampok ang katangian ng “Salita,” na gaya siya ng Diyos, pero hindi nito ipinapakita na kapantay siya ng kaniyang Ama, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Kaayon ng talatang ito, sinasabi ng Col 2:9 na “nasa kaniya [kay Kristo] ang lahat ng katangian ng Diyos.” At ayon sa 2Pe 1:4, ang mga kasamang tagapagmana ni Kristo ay ‘magkakaroon din ng mga katangiang gaya ng sa Diyos.’ Isa pa, sa salin ng Septuagint, ang salitang Griego na the·osʹ ang karaniwang ipinanunumbas sa mga salitang Hebreo na isinasaling “Diyos”—ang ʼel at ʼelo·himʹ—na sinasabing pangunahin nang nangangahulugang “Makapangyarihan; Malakas.” Ang mga salitang Hebreong ito ay ginagamit para tumukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, sa ibang diyos, at sa mga tao. (Tingnan ang study note sa Ju 10:34.) Ang pagtawag sa Salita na “diyos,” o “makapangyarihan,” ay kaayon ng hula sa Isa 9:6, na nagsasabing ang Mesiyas ay tatawaging “Makapangyarihang Diyos” (hindi “Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat”) at siya ang magiging “Walang-Hanggang Ama” ng lahat ng magiging sakop niya. Mangyayari ito dahil sa sigasig ng Ama niya, si “Jehova ng mga hukbo.”—Isa 9:7.

Panginoon ko at Diyos ko!: Para sa ilang iskolar, ito ay ekspresyon ng pagkamangha na sinabi kay Jesus pero pinapatungkol sa Diyos, ang Ama niya. Sinasabi naman ng iba na sa orihinal na Griego, ang pananalitang ito ay pinapatungkol kay Jesus. Pero sakali mang totoo iyan, kailangang isaalang-alang ang ibang bahagi ng Kasulatan para maintindihan ang ibig sabihin ng “Panginoon ko at Diyos ko.” Ipinapakita ng ulat na nagpadala ng ganitong mensahe si Jesus sa mga alagad niya: “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama at sa aking Diyos at inyong Diyos,” kaya walang dahilan para isiping naniniwala si Tomas na si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. (Tingnan ang study note sa Ju 20:17.) Narinig ni Tomas na nananalangin si Jesus sa kaniyang “Ama,” na tinawag niyang “ang tanging tunay na Diyos.” (Ju 17:1-3) Kaya kung tinawag man ni Tomas si Jesus na “Diyos ko,” posibleng ito ang mga dahilan: Ang tingin niya kay Jesus ay “isang diyos,” pero hindi ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. (Tingnan ang study note sa Ju 1:1.) O puwedeng tinawag niya si Jesus kung paano tinatawag ng ibang mga lingkod ng Diyos ang mga mensaherong anghel ni Jehova, gaya ng nakaulat sa Hebreong Kasulatan. Malamang na pamilyar si Tomas sa mga ulat sa Bibliya kung saan kinausap ng mga karakter o manunulat nito ang isang mensaherong anghel na para bang ang Diyos na Jehova ang kausap nila. (Ihambing ang Gen 16:7-11, 13; 18:1-5, 22-33; 32:24-30; Huk 6:11-15; 13:20-22.) Kaya posibleng tinawag ni Tomas si Jesus na “Diyos ko” bilang pagkilala na kinatawan siya at tagapagsalita ng tunay na Diyos.

Sinasabi ng ilan na dahil may Griegong tiyak na pantukoy bago ang mga salitang “panginoon” at “diyos,” tumutukoy ang mga ito sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Pero sa kontekstong ito, ang paggamit ng pantukoy ay kailangan lang sa gramatika ng Griego. Halimbawa, may iba pang talata sa Bibliya kung saan ginamit bilang pantawag (vocative) sa Griego ang pangngalan na may kasamang tiyak na pantukoy, gaya sa Luc 12:32 (lit., “ang munting kawan”) at Col 3:18–4:1 (lit., “ang mga asawang babae”; “ang mga asawang lalaki”; “ang mga anak”; “ang mga ama”; “ang mga alipin”; “ang mga panginoon”). Sa katulad na paraan, ganito ang literal na salin ng 1Pe 3:7: “Ang mga asawang lalaki.” Kaya ang paggamit dito ng pantukoy ay lumilitaw na hindi naman makakatulong sa pag-alam sa kung ano talaga ang iniisip ni Tomas nang sabihin niya ito.

Media