Job 7:1-21

7  “Hindi ba ang buhay ng taong mortal sa lupa ay gaya ng sapilitang pagtatrabaho,At ang mga araw niya ay gaya ng sa upahang trabahador?+   Gaya ng alipin, gustong-gusto niya ng lilim,At gaya ng upahang trabahador, hinihintay niya ang suweldo niya.+   Kaya sa loob ng maraming buwan ay naging walang kabuluhan ang buhay ko,At maraming gabi na akong nagdurusa.+   Itinatanong ko kapag humihiga ako, ‘Kailan ako babangon?’+ Pero napakahaba ng gabi at hindi ako nakakatulog* hanggang sa magbukang-liwayway.   Ang laman ko ay nababalot ng uod at dumi;+Ang balat ko ay punô ng langib at nana.+   Ang paglipas ng mga araw ko ay mas mabilis pa sa pag-ikot ng panghabi,+At nagwawakas ang mga iyon sa kawalang-pag-asa.+   Alalahanin mong ang buhay ko ay maikli,*+Na hindi na muling makakakita ng kaligayahan* ang mata ko.   Hindi na ako muling makikita ng matang nakakakita sa akin ngayon;Hahanapin ako ng mga mata mo, pero wala na ako.+   Gaya ng ulap na unti-unting naglalaho at tuluyang nawawala,Ang napupunta sa Libingan* ay hindi na bumabalik.+ 10  Hindi na siya babalik pa sa bahay niya,At hindi na siya kikilalanin sa lugar niya.+ 11  Kaya hindi ko pipigilan ang bibig ko. Magsasalita ako dahil sa sakit na nadarama ng puso* ko;Daraing ako dahil sa paghihirap ng kalooban ko!+ 12  Ako ba ang dagat o isa ba akong malaking hayop sa dagatKaya kailangan mo pa akong pabantayan? 13  Nang sabihin ko, ‘Aaliwin ako ng higaan ko;Maiibsan ng kama ko ang pagdurusa ko,’ 14  Sinindak mo naman ako ng mga panaginipAt tinakot ng mga pangitain, 15  Kaya pinili kong* huwag nang makahinga,Oo, pinili ko ang kamatayan kaysa sa katawan kong ito.*+ 16  Kinamumuhian ko ang buhay ko;+ ayoko nang mabuhay pa. Iwan mo na ako, dahil gaya lang ng hininga ang mga araw ko.+ 17  Ano ba ang taong mortal para pansinin mo pa siyaAt ituon sa kaniya ang iyong atensiyon?*+ 18  Bakit mo siya iniinspeksiyon tuwing umagaAt sinusubok bawat sandali?+ 19  Puwede mo bang alisin ang tingin mo sa akinAt pabayaan ako para malunok ko man lang ang laway ko?+ 20  Kung nagkasala ako, ano ba ang epekto nito sa iyo, ang Tagapagmasid ng sangkatauhan?+ Bakit mo ako pinupuntirya? Naging pabigat ba ako sa iyo? 21  Bakit hindi mo pinatatawad ang kasalanan koAt pinalalampas ang pagkakamali ko? Dahil malapit na akong humiga sa alabok,+At hahanapin mo ako, pero wala na ako.”

Talababa

O “at pabiling-biling ako.”
O “hangin.”
Lit., “kabutihan.”
Lit., “Ang bumababa sa Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “espiritu.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “kaysa sa mga buto ko.”
Lit., “puso.”

Study Notes

Media