Job 37:1-24

37  “Kaya kumakabog ang dibdib* ko,At mabilis ang tibok ng puso ko.   Pakinggan ninyong mabuti ang dagundong ng tinig niyaAt ang kulog na lumalabas sa bibig niya.   Inilalabas niya ito sa silong ng buong langit,At nagpapakidlat siya+ hanggang sa mga dulo ng lupa.   Pagkatapos, may maririnig na dumadagundong na tunog;Ang kamangha-mangha niyang tinig ay parang kulog,+At tuloy-tuloy pa rin ang pagkidlat habang nagsasalita siya.   Kamangha-mangha ang pagdagundong ng tinig ng Diyos;+Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagay na hindi abót ng isip natin.+   Dahil sinasabi niya sa niyebe, ‘Mahulog ka sa lupa,’+ At sa ulan, ‘Bumuhos ka nang malakas.’+   Pinatitigil ng Diyos ang lahat ng gawain ng tao*Para malaman ng bawat taong mortal ang gawa Niya.   Pumapasok sa lungga ang mababangis na hayopAt nananatili roon.   Humihihip ang hangin ng bagyo mula sa silid nito,+At ang hanging hilaga ay nagdadala ng lamig.+ 10  Nabubuo ang yelo sa pamamagitan ng hininga ng Diyos+At nagiging yelo ang malawak na katubigan.+ 11  Oo, pinabibigat niya ng mga patak ng tubig ang mga ulap;Ikinakalat niya sa mga ulap ang kaniyang kidlat;+ 12  Nagpapaikot-ikot ang mga ito saanman niya papuntahin;Sinusunod ng mga ito anuman ang iutos niya+ sa ibabaw* ng lupa. 13  Sa ganitong paraan, nakapagpaparusa siya,+ nadidiligan ang lupain,At nakapagpapakita siya ng tapat na pag-ibig.+ 14  Pakinggan mo ito, Job;Huminto ka sandali at pag-isipan mong mabuti ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos.+ 15  Alam mo ba kung paano kinokontrol* ng Diyos ang mga ulapAt kung paano siya nagpapakidlat mula sa kaniyang ulap? 16  Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap?+ Ito ang kamangha-manghang mga gawa ng Isa na nakaaalam ng lahat ng bagay.+ 17  Bakit umiinit ang damit moKapag ang lupa ay tahimik dahil sa hangin mula sa timog?+ 18  Inilatag* ng Diyos ang langit+ na kasintibay ng metal na salamin.Kaya mo rin bang gawin iyon? 19  Sabihin mo sa amin ang dapat naming sabihin sa kaniya;Hindi kami makasagot dahil nasa dilim kami. 20  Dapat bang sabihin sa kaniya na may gusto akong ipaalám sa kaniya? O may sinabi ba ang sinuman na dapat pang iparating sa kaniya?+ 21  Hindi man lang nila makita ang liwanag*Kahit pa maaliwalas ang langit,Maliban kung may dumaang hangin at hawiin ang mga ulap. 22  Sa hilaga nagmumula ang gintong sinag;Ang kaluwalhatian ng Diyos+ ay kamangha-mangha. 23  Hindi natin kayang unawain ang lahat ng bagay tungkol sa Makapangyarihan-sa-Lahat;+Napakalakas ng kapangyarihan niya,+At hinding-hindi niya lalabagin ang kaniyang katarungan+ at saganang katuwiran.*+ 24  Kaya dapat matakot sa kaniya ang mga tao.+ Dahil hindi siya nalulugod sa mga nag-iisip na matalino* sila.”+

Talababa

Lit., “puso.”
Lit., “Tinatatakan niya ang kamay ng bawat tao.”
O “sa ibabaw ng mabungang lupain.”
O “inuutusan.”
O “Pinukpok.”
Liwanag ng araw.
Tingnan sa Glosari.
Lit., “na may pusong marunong.”

Study Notes

Media