Job 25:1-6

25  Sinabi ni Bildad+ na Shuhita:   “Sa kaniya ang pamamahala at ang kakila-kilabot na lakas;Nagtataguyod siya ng kapayapaan sa langit.*   Mabibilang ba ang hukbo niya? Mayroon bang hindi nasisikatan ng liwanag niya?   Kaya paano magiging matuwid sa harap ng Diyos ang taong mortal,+O paano magiging walang-sala* ang ipinanganak ng babae?+   Maging ang buwan ay hindi maliwanagAt ang mga bituin ay hindi malinis sa paningin niya.   Gaano pa kaya ang taong mortal, na isang uod lang,At ang anak ng tao, na isang bulati!”

Talababa

Lit., “sa kaitaasan niya.”
O “malinis.”

Study Notes

Media