Job 17:1-16

17  “Ubos na ang lakas ko, pati ang mga araw ko;Hinihintay na ako ng libingan.+   Pinapalibutan ako ng mga manlalait,+At kitang-kita* ko ang pagiging mapaghimagsik nila.   Pakisuyo, tanggapin mo ang panagot ko at itago mo ito. Sino pa nga ba ang makikipagkamay sa akin at mangangako ng suporta sa akin?+   Dahil ipinagkait mo ang kaunawaan sa puso nila;+Kaya hindi mo sila itinataas.   Nag-aalok sila sa mga kaibigan nilaSamantalang nanlalabo ang mata ng mga anak nila dahil sa gutom.   Ginawa niya akong tampulan ng panlalait* ng mga bayan,+At dinuduraan nila ako sa mukha.+   Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa paghihirap,+At lahat ng biyas ko ay parang anino na lang.   Ang mga matuwid ay napapatitig dito sa pagkamangha,At ang inosente ay nababagabag dahil sa di-makadiyos.*   Ang matuwid ay patuloy na gumagawa ng tama,+At ang walang-sala ay lalong lumalakas.+ 10  Pero ituloy ninyo ang mga argumento ninyo,Dahil wala pa akong nakikitang marunong sa inyo.+ 11  Tapos na ang mga araw ko;+Nasira na ang mga plano ko, ang mga naisin ng puso ko.+ 12  Lagi nilang ginagawang araw ang gabi,At sinasabi nila, ‘Malapit nang magliwanag dahil madilim na.’ 13  Kaunting paghihintay na lang at magiging tahanan ko na ang Libingan;*+Ilalatag ko ang higaan ko sa kadiliman.+ 14  Sasabihin ko sa hukay,*+ ‘Ikaw ang ama ko!’ Sa uod, ‘Ikaw ang ina at kapatid ko!’ 15  Kaya nasaan ang pag-asa ko?+ Sino ang nakakakita ng pag-asa para sa akin? 16  Bababa iyon* sa Libingan*Kapag magkasama kaming bumalik sa alabok.”+

Talababa

O “tititigan.”
Lit., “Ginawa niya akong kasabihan.”
O “apostata.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “libingan.”
Pag-asa.
Lit., “sa mga halang ng Sheol.” Tingnan sa Glosari.

Study Notes

Media