Jeremias 30:1-24

30  Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova:  “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Isulat mo sa isang aklat ang lahat ng sasabihin ko sa iyo.  Dahil “darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na titipunin ko ang mga nabihag sa bayan kong Israel at Juda,”+ ang sabi ni Jehova, “at ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila, at iyon ay magiging kanila ulit.”’”+  Ito ang mga salitang sinabi ni Jehova sa Israel at sa Juda.   Ito ang sinabi ni Jehova: “Narinig namin ang sigaw ng mga nasisindak;Natatakot ang lahat, at walang kapayapaan.   Pakisuyo, itanong mo kung nanganganak ba ang lalaki. Bakit nakahawak sa tiyan* ang lahat ng malalakas na lalakiGaya ng isang babaeng nanganganak?+ Bakit maputla ang mukha ng lahat?   Dahil ang araw na iyon ay kahila-hilakbot.*+ Iyon ay walang katulad.Isang panahon ng paghihirap para sa Jacob. Pero maliligtas siya mula roon.”  “At sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “aalisin ko ang pamatok sa leeg mo, at puputulin ko ang mga tali* mo; at hindi na siya* gagawing alipin ng mga estranghero.*  Maglilingkod sila sa kanilang Diyos na si Jehova at sa kanilang haring si David, na ibabangon ko para sa kanila.”+ 10  “At ikaw, Jacob na lingkod ko, huwag kang matakot,” ang sabi ni Jehova,“At huwag kang mangilabot, O Israel.+ Dahil ililigtas kita mula sa malayoAt ang mga supling mo mula sa lupain kung saan sila binihag.+ Babalik ang Jacob at magiging panatag at tiwasay,At walang sinumang tatakot sa kanila.”+ 11  “Dahil kasama mo ako,” ang sabi ni Jehova, “at ililigtas kita. Pero lilipulin ko ang lahat ng bansa kung saan kita pinangalat;+Gayunman, ikaw ay hindi ko lilipulin.+ Pero didisiplinahin* kita sa tamang antas,At titiyakin kong mapaparusahan ka.”+ 12  Dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Walang lunas ang pagbagsak mo.+ Hindi na gagaling ang sugat mo. 13  Walang magtatanggol ng kaso mo,Hindi mapagagaling ang sugat mo. Walang lunas para sa iyo. 14  Nakalimutan ka na ng lahat ng kalaguyo mo.+ Hindi ka na nila hinahanap. Dahil hinagupit kita ng hagupit ng isang kaaway,+Gaya ng parusa mula sa taong malupit ang parusa ko sa iyo,Dahil sa malaking pagkakamali at marami mong kasalanan.+ 15  Bakit ka humihiyaw dahil sa pagbagsak mo? Walang makapagpapagaling sa kirot mo! Dahil sa malaking pagkakamali at marami mong kasalanan+Kaya ginawa ko ito sa iyo. 16  Kaya ang lahat ng lumalamon sa iyo ay lalamunin din,+At ang lahat ng kalaban mo ay mabibihag din.+ Ang mga nananamsam sa iyo ay sasamsaman,At hahayaan kong manakawan ang lahat ng nagnanakaw sa iyo.”+ 17  “Pero pagagalingin kita at paghihilumin ko ang mga sugat mo,”+ ang sabi ni Jehova,“Kahit na itinatakwil at tinatawag ka nilang ‘Ang Sion, na hindi hinahanap ninuman.’”+ 18  Ito ang sinabi ni Jehova: “Titipunin ko ang mga nabihag mula sa mga tolda ng Jacob,+At maaawa ako sa mga tabernakulo niya. Muling itatayo ang lunsod sa burol niya,+At ang matibay na tore ay ibabalik sa dating kinatatayuan nito. 19  At mula sa kanila ay maririnig ang pasasalamat at ang tawanan.+ Pararamihin ko sila, at hindi sila magiging kaunti;+Palalakihin ko ang bilang nila,*At hindi sila hahamakin.+ 20  Ang mga anak niya ay magiging gaya ng dati,At sila ay magiging isang malakas na bayan sa harap ko.+ Ako ang haharap sa lahat ng umaapi sa kaniya.+ 21  Ang kaniyang pinuno ay manggagaling sa kaniya,At mula sa kaniya ay lalabas ang tagapamahala niya. Palalapitin ko siya, at lalapit siya sa akin.” “Dahil kung hindi, sino ang maglalakas-loob na* lumapit sa akin?” ang sabi ni Jehova. 22  “At kayo ay magiging bayan ko,+ at ako ang magiging Diyos ninyo.”+ 23  Isang buhawi ni Jehova ang magngangalit,+Isang malakas na bagyo na iikot sa ulo ng masasama. 24  Ang naglalagablab na galit ni Jehova ay hindi huhupaHanggang sa matupad at magawa niya ang nasa puso niya.+ Sa huling bahagi ng mga araw ay mauunawaan ninyo ito.+

Talababa

O “balakang.”
Lit., “dakila.”
Lit., “gapos.”
O “sila.”
O “banyaga.”
O “itutuwid.”
O posibleng “Gagawin ko silang kagalang-galang.”
Lit., “ang magbibigay ng puso niya bilang panagot para.”

Study Notes

Media