Jeremias 1:1-19

1  Ito ang mga salita ni Jeremias* na anak ni Hilkias, isa sa mga saserdote sa Anatot+ sa lupain ng Benjamin.  Dumating sa kaniya ang salita ni Jehova noong panahon ng hari ng Juda na si Josias,+ na anak ni Amon,+ nang ika-13 taon ng paghahari nito.  Dumating din ito noong panahon ng anak ni Josias na si Jehoiakim,+ na hari ng Juda, hanggang sa pagtatapos ng ika-11 taon ng anak ni Josias na si Zedekias,+ na hari ng Juda, hanggang sa ipatapon ang Jerusalem nang ikalimang buwan.+  Dumating sa akin ang salita ni Jehova. Sinabi niya:   “Bago pa kita binuo sa sinapupunan ay kilala* na kita,+At bago ka pa isilang* ay pinabanal* na kita.+ Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”   Pero sinabi ko: “O Kataas-taasang* Panginoong Jehova! Hindi ako marunong magsalita,+ dahil bata pa ako.”+   At sinabi ni Jehova sa akin: “Huwag mong sabihing ‘Bata pa ako.’ Dahil magpupunta ka sa lahat ng pagsusuguan ko sa iyo,At dapat mong sabihin ang lahat ng iuutos ko sa iyo.+   Huwag kang matakot sa kanila,*+Dahil ‘kasama mo ako at ililigtas kita,’+ ang sabi ni Jehova.”  Pagkatapos, iniunat ni Jehova ang kamay niya at hinipo ang bibig ko.+ At sinabi ni Jehova sa akin: “Inilagay ko ang mga salita ko sa bibig mo.+ 10  Tingnan mo, inatasan kita sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, para bumunot at magbagsak, para mangwasak at manggiba, para magtayo at magtanim.”+ 11  Ang salita ni Jehova ay muling dumating sa akin. Sinabi niya: “Ano ang nakikita mo, Jeremias?” Sinabi ko: “May nakikita akong sanga ng punong almendras.”* 12  Sinabi ni Jehova sa akin: “Tama ang nakikita mo, dahil nananatili akong gisíng para tuparin ang salita ko.” 13  Ang salita ni Jehova ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon. Sinabi niya: “Ano ang nakikita mo?” Sinabi ko: “May nakikita akong lutuan* na kumukulo ang laman.* At nakatagilid ang bibig nito palayo sa hilaga.” 14  Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: “Mula sa hilaga ay darating ang kapahamakanLaban sa lahat ng nakatira sa lupain.+ 15  Dahil ‘tatawagin ko ang lahat ng pamilya ng mga kaharian sa hilaga,’ ang sabi ni Jehova,+‘At darating sila; ang bawat isa sa kanila ay maglalagay ng kani-kaniyang tronoSa pasukan ng mga pintuang-daan ng Jerusalem,+At sasalakayin nila ang lahat ng pader niya sa palibotAt ang lahat ng lunsod ng Juda.+ 16  At ihahayag ko ang mga hatol ko sa kanila dahil sa lahat ng kasamaan nila,Dahil iniwan nila ako,+At gumagawa sila ng haing usok sa ibang diyos+At yumuyukod sa mga gawa ng sarili nilang mga kamay.’+ 17  Pero ihanda mo ang sarili mo,*At tumayo ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iuutos ko sa iyo. Huwag kang matakot sa kanila,+Para hindi kita takutin sa harap nila. 18  Dahil ngayon ay ginawa kitang isang napapaderang* lunsod,Isang haliging bakal, at mga pader na tanso laban sa buong lupain,+Laban sa mga hari ng Juda at sa kaniyang matataas na opisyal,Laban sa mga saserdote niya at sa mga tao sa lupain.+ 19  At tiyak na makikipaglaban sila sa iyo,Pero hindi sila mananalo,Dahil ‘kasama mo ako,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at ililigtas kita.’”

Talababa

Posibleng ang ibig sabihin ay “Nagtataas si Jehova.”
O “pinili.”
Lit., “lumabas sa sinapupunan.”
O “ibinukod.”
O “Soberanong.”
Lit., “mukha nila.”
Lit., “ng gumigising.”
O “lutuan na maluwang ang bibig.”
Lit., “lutuan na hinihipan,” na nagpapahiwatig na hinihipan ang apoy sa ilalim nito.
Lit., “bigkisan mo ang balakang mo.”
O “nakukutaang.”

Study Notes

Media