Isaias 29:1-24
29 “Kaawa-awa ang Ariel,* ang Ariel, ang lunsod kung saan nagkampo si David!+
Magpatuloy kayo taon-taon;Patuloy ninyong ipagdiwang ang mga taunan ninyong kapistahan.+
2 Pero magdadala ako ng kapahamakan sa Ariel,+At magkakaroon ng pagdadalamhati at pagtangis,+At sa akin ay magiging gaya siya ng apuyan ng altar ng Diyos.+
3 Magtatayo ako ng mga kampo sa palibot mo,At paliligiran kita ng mga bakod na tulosAt papalibutan ng mga harang.+
4 Ibababa ka;Magsasalita ka mula sa lupa,At ang sasabihin mo ay palalabuin ng alabok.
Magmumula sa lupa ang tinig mo+Gaya ng tinig ng isang espiritista,At ang mga salita mo ay magiging gaya ng huni mula sa alabok.
5 Ang marami mong kaaway* ay magiging gaya ng pinong alabok;+Ang maraming malulupit na kalaban ay magiging gaya ng ipa na tinatangay ng hangin.+
At mangyayari ito sa isang iglap, nang biglaan.+
6 Ililigtas ka ni Jehova ng mga hukboNang may pagkulog at paglindol at malakas na ingay,Nang may malakas na hangin at bagyo at tumutupok na apoy.”+
7 At ang hukbo ng lahat ng bansang nakikipagdigma sa Ariel+—Ang lahat ng nakikipagdigma sa kaniya,Ang mga toreng pandigma laban sa kaniya,At ang mga nagpapahirap sa kaniya—Ay magiging gaya ng panaginip, isang pangitain sa gabi.
8 Ang hukbo ng lahat ng bansaNa nakikipagdigma sa Bundok Sion+Ay magiging gaya ng taong gutom na kumakain sa panaginip niyaPero gutom pa rin paggising,
At gaya ng taong uhaw na umiinom sa panaginip niyaPero pagod at uhaw pa rin paggising.
9 Matulala kayo at mamangha;+Ipikit ninyo ang mga mata ninyo para hindi kayo makakita.+
Lasing sila, pero hindi dahil sa alak;Sumuray-suray sila, pero hindi dahil sa inuming de-alkohol.
10 Dahil mahimbing kayong pinatulog ni Jehova;+Ipinikit niya ang mga mata ninyo, ang mga propeta,+At tinakpan niya ang mga ulo ninyo, ang mga nakakakita ng pangitain.+
11 Ang bawat pangitain ay naging gaya ng selyadong aklat para sa inyo.+ Kapag ibinigay nila ito sa marunong bumasa, at sinabi nila sa kaniya: “Pakibasa mo ito nang malakas,” sasabihin niya: “Hindi ko magagawa, dahil selyado ito.”
12 At kapag ibinigay nila ang aklat sa hindi marunong bumasa, at sinabi nila sa kaniya: “Pakibasa mo ito,” sasabihin niya: “Hindi ako marunong bumasa.”
13 Sinasabi ni Jehova: “Lumalapit sa akin ang bayang ito sa pamamagitan ng bibig nila,At pinararangalan nila ako sa pamamagitan ng mga labi nila,+Pero malayong-malayo ang puso nila sa akin;At ang pagkatakot nila sa akin ay batay sa mga utos ng tao na itinuro sa kanila.+
14 Kaya ako muli ang gagawa ng kamangha-manghang mga bagay sa bayang ito,+Ng maraming pambihirang bagay;At maglalaho ang karunungan ng marurunong sa kanila,At mawawala ang unawa ng matatalino sa kanila.”+
15 Kaawa-awa ang mga gumagawa ng lahat para maitago ang mga plano* nila mula kay Jehova.+
Ginagawa nila sa dilim ang gawain nilaAt sinasabi: “Sino ang nakakakita sa atin?
Sino ang nakaaalam sa ginagawa natin?”+
16 Pinipilipit ninyo ang mga bagay-bagay!*
Ang magpapalayok ba ay dapat ituring na gaya ng luwad?+
Masasabi ba ng bagay na ginawa tungkol sa gumawa sa kaniya:
“Hindi niya ako ginawa”?+
At sasabihin ba ng bagay na hinubog tungkol sa humubog sa kaniya:
“Wala siyang alam”?+
17 Kaunting panahon na lang at ang Lebanon ay gagawing isang taniman,+At ang taniman ay ituturing na isang kagubatan.+
18 Sa araw na iyon, maririnig ng mga bingi ang mga salita ng aklat,At mula sa kadiliman ay makakakita ang mga bulag.+
19 Ang maaamo ay magsasaya nang husto dahil kay Jehova,At ang mga dukha ay magagalak dahil sa Banal ng Israel.+
20 Dahil ang malulupit ay mawawala na,Ang mayayabang ay sasapit sa kawakasan,At lilipulin ang lahat ng mahihilig gumawa ng masama,+
21 Ang mga nagsasabi ng kasinungalingan para palitawing nagkasala ang iba,Ang mga naglalagay ng bitag para sa tagapagtanggol* sa pintuang-daan ng lunsod,+At ang mga gumagamit ng walang-katuturang mga argumento para pagkaitan ng katarungan ang matuwid.+
22 Kaya sa sambahayan ni Jacob ay ito ang sinabi ni Jehova, na tumubos kay Abraham:+
“Si Jacob ay hindi na mahihiya,At hindi na mamumutla ang mukha niya.*+
23 Dahil kapag nakita niya ang mga anak niya,Ang gawa ng mga kamay ko, na nasa gitna niya,+Pababanalin nila ang pangalan ko;Oo, pababanalin nila ang Banal ng Jacob,At magpapakita sila ng matinding paggalang sa Diyos ng Israel.+
24 Ang mga naliligaw ng landas ay makauunawa,At ang mga nagrereklamo ay tatanggap ng payo.”
Talababa
^ Posibleng ang ibig sabihin ay “Apuyan ng Altar ng Diyos” at malamang na tumutukoy sa Jerusalem.
^ Lit., “estranghero.”
^ O “panukala.”
^ O “Napakasama ninyo!”
^ Lit., “sumasaway.”
^ Dahil sa kahihiyan at pagkabigo.