Nilalaman ng Efeso
A. PANIMULANG PAGBATI (1:1, 2)
B. LAYUNIN NG DIYOS NA IBALIK ANG PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN SA PAMAMAGITAN NI KRISTO (1:3–3:21)
1. Ang maluwalhating walang-kapantay na kabaitan ng Diyos at ang pagsisiwalat ng sagradong lihim ng kaniyang kalooban (1:3-23)
Espirituwal na mga pagpapala para sa mga piniling maging kaisa ni Kristo (1:3-7)
Layunin ng Diyos na tipunin ang lahat ng bagay sa Kristo sa pamamagitan ng “isang administrasyon” (1:8-14)
Nagpasalamat si Pablo sa Diyos dahil sa pananampalataya ng mga taga-Efeso, at ipinanalangin niyang bigyan sila ng karunungan (1:15-23)
2. Ang mga Kristiyanong Judio at di-Judio ay magkakasama at unti-unting nagiging ”isang banal na templo para kay Jehova” (2:1-22)
Kahit patay noon ang mga Kristiyano dahil sa mga pagkakamali at kasalanan nila, binuhay sila ng Diyos dahil sa kaniyang walang-kapantay na kabaitan (2:1-7)
Sa pamamagitan ng walang-kapantay na kabaitan, naililigtas ang mga Kristiyano dahil sa pananampalataya nila at hindi dahil sa gawa (2:8-10)
Ang mga di-Judio, na walang Diyos at walang pag-asa noon, ay naipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo (2:11-13)
Nang gibain ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at di-Judio, puwede nang magkaisa ang dalawang grupong ito at parehong maging kaisa ni Kristo (2:14-18)
Ang mga Kristiyanong Judio at di-Judio ay parehong itinayo sa pundasyon at naging isang espirituwal na templo (2:19-22)
3. Katiwala si Pablo ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos (3:1-21)
Isang bahagi ng sagradong lihim: Ang mga Judio at di-Judio ay parehong puwedeng maging kasamang tagapagmana ni Kristo (3:1-7)
Ang mga ginagawa ng Diyos sa kongregasyon ay nagsisiwalat ng karunungan ng Diyos kahit sa mga nasa langit (3:8-13)
Ipinanalangin ni Pablo na magkaroon ng kaunawaan ang mga taga-Efeso at malaman ang pag-ibig ng Kristo (3:14-21)
C. MAMUHAY NANG KARAPAT-DAPAT BILANG ISANG NAGKAKAISANG KONGREGASYONG KRISTIYANO (4:1–6:20)
1. Inilalaan ng Diyos ang lahat ng kailangan para maging kaisa ng mga Kristiyano si Kristo (4:1-16)
2. Mahalaga sa pagkakaisa ang pagsusuot ng bagong personalidad (4:17–5:20)
Huwag nang mamuhay gaya ng mga bansa (4:17-19)
Kapag nabago ng isang Kristiyano ang takbo ng kaniyang isip, makikita sa pagkilos niya ang bagong personalidad (4:20-32)
Tularan ang Diyos (5:1, 2)
Pananalita at pagkilos na walang bahid ng imoralidad at karumihan (5:3-5)
Lumakad bilang mga anak ng liwanag (5:6-14)
Patuloy na alamin kung ano ang kalooban ni Jehova, at patuloy na pagsikapang mapuspos ng espiritu (5:15-20)
3. Mahalaga sa pagkakaisa ang tamang pagpapasakop sa iba (5:21–6:9)
4. Kung paano magtatagumpay ang mga Kristiyano laban sa makapangyarihan at napakasasamang espiritu (6:10-20)
D. PANGHULING MENSAHE (6:21-24)