Deuteronomio 8:1-20

8  “Tiyakin ninyong masusunod ninyo ang bawat utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon para patuloy kayong mabuhay+ at dumami at makuha ninyo ang lupaing ipinangako ni Jehova sa mga ninuno ninyo.+ 2  Alalahanin ninyo ang mahabang paglalakbay ninyo sa ilang nang palakarin kayo ng Diyos ninyong si Jehova nang 40 taon+ para turuan kayong maging mapagpakumbaba at subukin kayo+ para malaman kung ano ang nasa puso ninyo,+ kung susundin ninyo ang mga utos niya o hindi. 3  Kaya tinuruan niya kayo na maging mapagpakumbaba, hinayaan kayong magutom,+ at pinakain ng manna,+ na hindi pamilyar sa inyo o sa mga ama ninyo, para malaman ninyo na ang tao ay nabubuhay, hindi lang sa tinapay, kundi sa bawat salitang sinasabi* ni Jehova.+ 4  Sa 40 taóng ito, hindi naluma ang kasuotan ninyo at hindi namaga ang paa ninyo.+ 5  Alam ninyo sa puso ninyo na itinutuwid kayo ng Diyos ninyong si Jehova, gaya ng pagtutuwid ng ama sa kaniyang anak.+ 6  “Lumakad kayo sa mga daan ng Diyos ninyong si Jehova at matakot kayo sa kaniya para masunod ninyo ang mga utos niya. 7  Dahil dadalhin kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa isang magandang lupain,+ isang lupaing sagana sa tubig,* maraming batis at bukal na umaagos sa kapatagan at mabundok na rehiyon, 8  isang lupaing sagana sa trigo, sebada, ubas,* igos,* granada,*+ langis ng olibo, at pulot-pukyutan,+ 9  isang lupain kung saan hindi kayo kakapusin sa pagkain at hindi kayo magkukulang ng anuman, isang lupain kung saan may makukuhang bakal sa bato at makapagmimina ng tanso sa mga bundok. 10  “Kapag nakakain na kayo at nabusog, purihin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova dahil sa magandang lupain na ibinigay niya sa inyo.+ 11  Bantayan ninyo ang inyong sarili para hindi ninyo malimutan ang Diyos ninyong si Jehova; sundin ninyo ang kaniyang mga utos, hudisyal na pasiya, at batas na iniuutos ko sa inyo ngayon. 12  Kapag kumain na kayo at nabusog at nakapagtayo ng magagandang bahay at nakatira na sa mga iyon,+ 13  kapag lumaki ang bakahan at kawan ninyo at dumami ang pilak at ginto ninyo at sagana na kayo sa lahat ng bagay, 14  huwag ninyong hayaang magmataas ang puso ninyo+ at malimutan ninyo ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto, kung saan kayo naging alipin,*+ 15  na pumatnubay sa inyo sa malawak at nakakatakot na ilang,+ kung saan may makamandag na mga ahas at alakdan at tigang ang lupa at walang mapagkunan ng tubig. Nagpalabas siya ng tubig sa bato,*+ 16  at sa ilang ay pinakain niya kayo ng manna+ na hindi pamilyar sa inyong mga ama, para turuan kayong maging mapagpakumbaba+ at subukin kayo, nang sa gayon ay makinabang kayo sa hinaharap.+ 17  Kung sakaling sabihin ninyo sa sarili, ‘Yumaman ako dahil sa sarili kong lakas at kakayahan,’+ 18  alalahanin ninyo na ang Diyos ninyong si Jehova ang nagbigay sa inyo ng kakayahan kaya yumaman kayo,+ para matupad niya ang tipang ipinangako niya sa inyong mga ninuno, gaya ng ginawa niya ngayon.+ 19  “Kung kalilimutan ninyo ang Diyos ninyong si Jehova at susunod kayo sa ibang mga diyos at maglilingkod at yuyukod sa mga iyon, binababalaan ko kayo ngayon na tiyak na malilipol kayo.+ 20  Mapupuksa kayo gaya ng paglipol ni Jehova sa mga bansa sa harap ninyo, dahil hindi kayo nakinig sa Diyos ninyong si Jehova.+

Talababa

O “lumalabas sa bibig.”
O “sa wadi.”
O “puno ng igos.”
Tingnan sa Glosari.
O “punong ubas.”
Lit., “sa bahay ng mga alipin.”
O “batong pingkian.”

Study Notes

Media