Mga Awit 93:1-5

93  Si Jehova ay naging Hari!+ Nadaramtan siya ng karilagan;Si Jehova ay nadaramtan ng lakas;Suot niya ito na gaya ng sinturon. Matibay ang pagkakagawa sa lupa;*Hindi ito magagalaw.*   Matagal nang nakatatag nang matibay ang iyong trono;+Mula pa noong walang hanggan ay umiiral ka na.*+   Rumagasa ang mga ilog, O Jehova,Rumagasa at umugong ang mga ilog;Patuloy na rumaragasa at dumadagundong ang mga ilog.   Pero ikaw, O Jehova, na kataas-taasan sa langit,+Ay mas malakas kaysa sa dagundong ng malalim na tubig;Mas malakas ka kaysa sa malalaking alon sa dagat.+   Talagang mapagkakatiwalaan ang mga paalaala mo.+ O Jehova, napapalamutian ng kabanalan ang* bahay mo+ sa lahat ng panahon.

Talababa

O “mabungang lupain.”
O “mayayanig.”
O “Wala kang pasimula.”
O “angkop ang kabanalan sa.”

Study Notes

Media