Mga Awit 71:1-24
71 Sa iyo, O Jehova, ay nanganganlong ako.
Huwag nawa akong mapahiya kailanman.+
2 Iligtas mo ako at sagipin dahil matuwid ka.
Pakinggan mo ako* at iligtas.+
3 Maging batong tanggulan ka para sa akinNa lagi kong mapapasukan.
Ipag-utos mo na iligtas ako,Dahil ikaw ang aking malaking bato at ang aking moog.+
4 O Diyos ko, iligtas mo ako mula sa kamay ng masama,+Mula sa palad ng di-makatarungan at mapang-api.
5 Dahil ikaw ang pag-asa ko, O Kataas-taasang Panginoong Jehova;Nagtitiwala ako sa iyo mula pa sa pagkabata ko.+
6 Sa iyo ako sumasandig mula nang ipanganak ako;Ikaw ang kumuha sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina.+
Lagi kitang pinupuri.
7 Ako ay naging gaya ng isang himala para sa maraming tao,Pero ikaw ang aking matibay na kanlungan.
8 Ang bibig ko ay punô ng papuri sa iyo;+Buong araw kong sinasabi ang tungkol sa karilagan mo.
9 Huwag mo akong itakwil kahit matanda na ako;+Huwag mo akong iwan kapag mahina na ako.+
10 Nagsasalita laban sa akin ang mga kaaway ko,At ang mga gustong pumatay sa akin ay nagsasabuwatan+
11 At nagsasabi: “Iniwan na siya ng Diyos.
Tugisin at hulihin siya, dahil walang magliligtas sa kaniya.”+
12 O Diyos, huwag kang manatiling malayo sa akin.
O Diyos ko, magmadali ka at tulungan mo ako.+
13 Mapahiya nawa at maglahoAng mga kaaway ko.+
Mabalot nawa ng kahihiyanAng mga gustong magpahamak sa akin.+
14 Pero ako, patuloy akong maghihintay;Daragdagan ko pa ang papuri ko sa iyo.
15 Buong araw kong isasalaysay ang iyong katuwiran+At ang mga ginawa mong pagliligtas,Kahit napakarami ng mga ito para maabot ng pang-unawa* ko.+
16 Hahayo ako at sasabihin ko ang tungkol sa makapangyarihan mong mga gawa,O Kataas-taasang Panginoong Jehova;Sasabihin ko ang tungkol sa iyong katuwiran, ang sa iyo lamang.
17 O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata,+At hanggang ngayon ay inihahayag ko ang iyong kamangha-manghang mga gawa.+
18 O Diyos, kahit tumanda na ako at pumuti na ang buhok, huwag mo akong iwan.+
Hayaan mong sabihin ko sa susunod na henerasyon ang tungkol sa kapangyarihan* moAt ang tungkol sa kalakasan mo sa lahat ng darating.+
19 Ang iyong katuwiran, O Diyos, ay hanggang sa kaitaasan;+Gumawa ka ng dakilang mga bagay;O Diyos, sino ang tulad mo?+
20 Kahit ipinaranas mo sa akin ang maraming pagdurusa at kapahamakan,+Ibalik mo ang lakas ko;Iahon mo ako mula sa kailaliman* ng lupa.+
21 Dagdagan mo nawa ang aking dangal,At protektahan mo ako at aliwin.
22 At pupurihin kita sa saliw ng instrumentong de-kuwerdasDahil sa katapatan mo, O Diyos ko.+
Aawit ako ng mga papuri* sa iyo gamit ang alpa,O Banal ng Israel.
23 Hihiyaw ako sa kagalakan habang umaawit ng mga papuri sa iyo,+Dahil iniligtas* mo ang buhay ko.+
24 Buong araw kong sasabihin* ang tungkol sa iyong katuwiran,+Dahil ang mga gustong magpahamak sa akin ay mapapahiya at mawawalan ng dangal.+
Talababa
^ O “Yumuko ka at pakinggan mo ako.”
^ O “para mabilang.”
^ Lit., “bisig.”
^ O “malalim na katubigan.”
^ O “Aawit ako at tutugtog para.”
^ O “tinubos.”
^ O “bubulay-bulayin.”

