Mga Awit 4:1-8

Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni David. 4  Kapag tumawag ako, sagutin mo ako, O matuwid kong Diyos.+ Gumawa ka ng daang matatakasan ko* sa aking paghihirap. Kaawaan mo ako at pakinggan mo ang panalangin ko.   Mga anak ng tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin sa halip na parangalan? Hanggang kailan ninyo iibigin ang walang-kabuluhang mga bagay at hahanapin ang kasinungalingan? (Selah)   Tandaan ninyo na espesyal* ang pagtrato ni Jehova sa tapat sa kaniya;Pakikinggan ako ni Jehova kapag tumawag ako sa kaniya.   Magalit man kayo, huwag kayong magkasala.+ Magsalita kayo sa puso ninyo, sa higaan ninyo, at manahimik. (Selah)   Maghandog kayo nang may matuwid na puso,At magtiwala kayo kay Jehova.+   Marami ang nagsasabi: “Sino ang magpapakita sa amin ng anumang mabuti?” Pasinagin mo sa amin ang liwanag ng iyong mukha, O Jehova.+   Pinuno mo ang puso ko ng kagalakanNa nakahihigit sa kagalakan ng mga taong may saganang ani ng butil at bagong alak.   Mahihiga ako at matutulog nang payapa,+Dahil ikaw lang, O Jehova, ang nagbibigay sa akin ng kapanatagan.+

Talababa

Lit., “ng maluwang na espasyo para sa akin.”
O “natatangi.”

Study Notes

Media