Mga Awit 33:1-22

33  Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga matuwid, dahil kay Jehova.+ Nararapat lang na purihin siya ng mga matuwid.   Magpasalamat kayo kay Jehova gamit ang alpa;Umawit kayo ng mga papuri* sa kaniya gamit ang instrumentong may 10 kuwerdas.   Umawit kayo sa kaniya ng bagong awit;+Pagbutihin ninyo ang pagtugtog sa mga kuwerdas, kasabay ng mga hiyaw ng kagalakan.   Dahil ang salita ni Jehova ay matuwid,+At ang lahat ng ginagawa niya ay maaasahan.   Iniibig niya ang katuwiran at katarungan.+ Ang lupa ay punô ng tapat na pag-ibig ni Jehova.+   Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit,+At sa pamamagitan ng espiritu* ng kaniyang bibig ay nalikha ang lahat ng naroon.*   Tinitipon niya ang tubig ng dagat na parang nasa dam;+Inilalagay niya ang dumadaluyong na tubig sa mga imbakan.   Matakot nawa kay Jehova ang buong mundo.+ Magpakita nawa ng matinding paggalang sa kaniya ang mga nakatira sa lupa.*   Dahil nagsalita siya, at nangyari iyon;+Nag-utos siya, at natupad iyon.+ 10  Binigo ni Jehova ang mga pakana* ng mga bansa;+Sinira niya ang mga plano* ng mga bayan.+ 11  Pero ang mga pasiya ni Jehova ay hindi mabibigo kailanman;+Ang kaisipan* niya ay mananatili gaano man karaming henerasyon ang lumipas. 12  Maligaya ang bansa na ang Diyos ay si Jehova,+Ang bayang pinili niya bilang pag-aari niya.+ 13  Tumitingin si Jehova mula sa langit;Nakikita niya ang lahat ng anak ng tao.+ 14  Mula sa tirahan niya,Pinagmamasdan niya ang mga nakatira sa lupa. 15  Siya ang humuhubog sa puso ng lahat;Sinusuri niya ang lahat ng ginagawa nila.+ 16  Ang isang hari ay hindi maililigtas ng malaking hukbo;+Ang isang malakas na lalaki ay hindi maililigtas ng sarili niyang lakas.+ 17  Ang kabayo ay hindi maaasahang tagapagligtas;*+Malakas man ito, hindi ito siguradong makasasagip. 18  Ang mata ni Jehova ay nagbabantay sa mga may takot sa kaniya,+Sa mga naghihintay sa kaniyang tapat na pag-ibig, 19  Para iligtas sila mula sa kamatayanAt panatilihing buháy sa panahon ng taggutom.+ 20  Hinihintay natin si Jehova. Siya ang ating katulong at kalasag.+ 21  Nagsasaya ang puso natin dahil sa kaniya,Dahil nagtitiwala tayo sa kaniyang banal na pangalan.+ 22  Mapasaamin nawa ang iyong tapat na pag-ibig, O Jehova,+Habang patuloy kaming naghihintay sa iyo.+

Talababa

O “Umawit kayo at tumugtog para.”
O “hininga.”
Lit., “lahat ng hukbo nila.”
Lit., “mabungang lupain.”
O “panukala.”
O “kaisipan.”
Lit., “kaisipan ng puso.”
O “hindi makapagbibigay ng tagumpay.”

Study Notes

Media